two

137 3 2
                                    

3rd Person's POV


"Okay, thank you. Next," sabi na lang ng kanilang professor nang makita niya kung sino ang susunod na magpapakilala, "you, young lady, wearing an eyeglasses." 

Nang tawaging ito ng kanilang prof, inayos muna niya ang kanyang red eyeglasses saka siya tumayo.

"Hi. I'm Mikailla Delos Cruz. Um, civil engineering ang course po, ma'am."

Lumapit ang isang babae sa tabi niya. "Teka, 'di ba siya 'yon scholar?"

Tinignan muna ng lalaki si Mikailla bago ito sumagot. "Oo! Siya 'yon top 4 na scholar sa C.E. Department nila."

"Astig! Sana makahingi ako ng utak niya. Kailangan ko ngayon sa Integral Calculus. Kahit 4% lang." Natawa na lang ang lalaki sa sinabi ng katabi niya.

Hindi naman naiwasan na hindi marinig ni Mika ang sinabi ng dalawa niyang kaklase. Magmula nang pumasok ang kanyang pangalan sa Dean's Lister, para sa kanya, gasgas na ang linyang "sana makahingi ako ng utak niya"

"Hmm, what should we call you, Miss Delos Cruz?" tanong ng kanilang professor.

"Mika na lang po siguro." Ngumiti ito at saka siya umupo.

Tumango naman ang kanilang professor. "Next. 'Yon katabi ni Miss Delos Cruz. 'Yon babaeng nagsusulat." 

After niya sabihin iyon ng kanilang prof, tumayo naman ito pero hawak ang ballpen at black na pamaypay niya.

"I'm Clara Reinarez and-"

"Clara?" tanong ng babae na naka-upo sa harapan niya, tumango na lang si Clara pero hindi nakatingin ang babae sa kanya.

"And? Ah, what should we call you?" tanong ng prof.

"Claire po. C-L-A-I-R-E." Binuklat niya ang pamapay at agad naman nagpaypay ito.

"Nasaan ang 'I' do'n?" tanong ng lalaki malapit sa pwesto ni Mika.

"Clara Ibunoz Reinarez kasi ang ipinangalan sa'kin," aniyasaka ito umupo, "si sister kasi, e."

"Sister?" Tumingin si Clara kay Mika saka ito nag-nod.

"Okay. Um... you." Tinuro ng kanilang professor ang katabi ni Clara na nag-ce-cellphone.

"Hoy. Jo, ikaw na," bulong ni Clara saka ito tumayo.

Tinago muna niya sa bulsa ang kanyang phone bago siya magsalita. "I'm Jasmine Ochoa. Jo na lang ang itawag niyo sa'kin," agad siya umupo.

"May tomboy tayong kaklase," sabi ng babae na nasa harapan ni Clara. Tinignan lang ni Clara si Jo, na napatingin rin ito sa kanya. Saka sila nagngitian.


Karlos' POV


"I'm Kath Leneyen, your Ethics teacher for this semester..."

Ayokong makinig kay ma'am dahil may ginagawa pa ko pero hindi ko maiwasan makinig, kainis. Alam ko naman ang style niya sa pagtuturo lalo na kapag first day ng klase. Mukhang may ipapa-homework agad siya.


May nag-vibrate, malamang phone ko. At may nag-text.


Renzo:

Tol, sino prof natin sa Ethics? Hahaha! Btw... Kay Delos Cruz mo ipasa yung hw natin sa English


Delos Cruz? Ano'ng hitsura niya?


Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon