Jo's POV
"Jasmine!"
Hindi ko na nasubo ang burger ko nang sinigaw ni Sha-Sha ang pangalan ko. Oo, boses niya 'yon, akala mo malaking tao ang nagsalita dahil sa lalim ng boses niya. Mas sexy pa nga 'to kaysa sa akin, e.
At hayun siya, tumatakbo papunta rito sa bleachers. At bakit ang laki ng ngiti niya?
"Problema mo?!" Nilakasan ko na ang boses dahil ang ingay ng court na nasa likod lang nito. Pagka-upo niya, agad niya pinalo-palo ang braso ko.
"Tangina, Sha-Sha sasapakin na kita!" sigaw ko sa kanya kaya naman agad siya tumigil. "Hayan, very good."
"May nakita kasi ako." bulong niya.
"Ano'ng nakita mo?"
"Gwapo."
Napangiti na lang ako sa sinabi niya, "Ah, ako ba? Naman, oh! Hindi ka ba nagsasawa sa kagwapuhan kong 'to-"
"Gaga! Lalaki kasi! Hindi ikaw Jasmine!" Nawala na lang ang ngiti ko sa sinabi niya. "May nakasalubong ako sa gate kanina!"
"Dito sa campus?" tanong ko saka siya tumango. "Ano'ng course?"
"Ewan ko. Mukhang hindi siya estudyante rito, e. Not one, but two! Jasmine! Dalawa sila!" sigaw na lang niya saka siya tumili na parang baliw. Hindi na talaga nahiya 'to.
Maya-maya, tumigil na siya sa pag-tili. Oo tama tumigil na siya, pinagtitinginan na siya ng mga estudyante na dumadaan dito.
"Wala kang kasama?"
"Hinihintay ko si Claire. May ipapasa pa kami, e." sagot ko sabay kinain ko na ang burger ko. Sarap!
"Huh? May klase pa kayo? Foundation week na kaya!"
"Ipapasa lang. Wala naman kaming klase sa kanya ngayon week, e." sagot ko.
Oo, foundation week na namin. Kaya nag-iingay ang main court namin dahil nagaganap na ang sports fest, basketball. Hindi ko na alam kung sino na ang naglalaban ngayon, daming ginagawa, e. At saka, hindi ako manonood ng laro, baka hindi ko matapos ang dapat tapusin na activities.
"Aba, bakit nandito ka pa?" tanong na lang ni Claire na nasa tabi ko na pala.
"Yayain ko kayo na manood ng pageant." sagot ni Sha-Sha.
"Ano'ng oras ba? Hindi ko na alam ang nangyayari ngayon, e." ani Claire na nakasandal na ang ulo niya sa balikat ko at humikab pa.
"Mamayang six pa naman." sagot niya. Napatingin na lang kami ni Claire sa malaking relo na nasa tapat namin, 2:30 p.m. pa lang.
"Tulog muna tayo sa library," sabi na lang ni Claire, "hindi na kaya ng mga mata ko. Gusto ko na matulog."
"Kumain ka na ba niyan?" tanong ni Sha-Sha saka naman tumango si Claire. "Ikaw, Jo?"
"Oo, merienda ko na nga 'to, e." sagot ko saka ko pinakita sa kanya ang natitirang burger na agad ko rin sinubo.
"Sige. Nasa library din daw si March ngayon, e. Puntahan na lang natin siya. Pero, c.r. muna ako," sabi na lang niya. Agad niya tinabi kay Claire ang kanyang bag at tumakbo. Ihing-ihi na, ah.
"Nag-u-update na naman si March 'no?" tanong na lang ni Claire.
"Siguro. Doon lang may computer, e. Unless pinahiram ni Mika ang laptop niya." sagot ko na lang.
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...