eight

69 2 0
                                    

Jo's POV

"BIGYAN DAPAT NG HUSTISYA ANG BATA!"


Kailangan sabay-sabay sila?


"Ano'ng problema niyo?" tanong na lang ni Claire sa mga lalaki na 'to.

"Mga nabaliw na siyempre. Kasalanan ni Karlos kaya nagkakaganyan ang mga kasama niya," sabi ko.

"Bakit? Tama naman kami, ah," sabi naman ni Lino. 


Oo, may tama na sila.


"Ang weird niyo. Hinawaan mo yata, Karlos," sabi ni Claire sabay kinuha niya ang papel at siya ang nagsulat.

"Okay class, are you done?" tanong na lang bigla ni ma'am. Tumingin ako sa relo at...

"Hala! Ang bilis naman ng oras. After nito, Psychology na," sabi ko. Teka, hindi ako ready mag-report.

"Ma'am, 'di pa kami tapos!" sigaw na lang ni Airol.

Napatingin ako kay Claire, minadali niya ang pagsusulat. "Dalian mo, Claire."

"Oo na! Heto na! Ma'am, oh!" sigaw niya sabay tumayo siya at pinuntahan si ma'am para ibigay ang papel. Bitbit ko na rin ang bag niya kaya lumabas na agad kami. Gentleman kasi ako kaya ako ang magbibitbit.

"Tara Claire, canteen tayo."

Nakarating naman kami sa canteen. Nasa first floor lang kasi ng building na 'to ang canteen, tapos kami galing sa second floor.

Bumili muna kami ng makakakain kasi nakakagutom ang sagutan nina Karlos at Mika kanina. 


Teka, may napapansin ako rito sa kaharap ko ngayon.


"Claire."

Sumubo muna siya ng garlic bread bago magsalita. "What?"

"Ba't parang hindi ka kinakabahan ngayon?" Sa loob ng dalawang taon na naging kaklase ko 'to, ipagawa niyo na sa kanya ang lahat, 'wag lang ang reporting. Nanginginig ang labi at kamay niya.

"Sa'n naman ako kakabahan?"

"Sa report natin mamaya."

"Ah." Uminom muna siya ng tubig. "Mamaya pa ako aatakihin," saka siya tumawa at nabulunan ang payatot.

"Uminom ka ulit ng tubig," sabi ko sabay inubos niya ang isang bote ng tubig.


-ROOM IN PSYCHOLOGY-


"Ang tagal ni sir," sabi na lang ni Phillipe sabay tumungo siya.

"Tsk. Ingay mo," sabi na lang ni Claire. Katabi lang kasi niya.

"E, ang tagal ni sir. Nakaka-inip. Absent pa si Marso."

"Manahimik ka riyan, may ginagawa ako."

Tumingin na ko sa dalawa. "LQ kayo?"

"HIndi!" sigaw nilang dalawa. Adik, ang cute nila, kala mo mag-jowa.

"Pero, o'nga no? 25 minutes na wala si sir," sabi ko. Ang rule kasi rito, 'pag 30 minutes wala pa ang prof, aalis na kaming mga students.


Naramdaman ko na lang na may nag-vibrate sa phone ko. Sino na naman 'to?


Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon