Mika's POV
"Sayang, hindi nakasama si Claire," sabi ko na lang kay ate Narshaine habang hinahatid niya ako pauwi gamit ang kotse niya.
"Hayaan mo na. Kailangan niya mag-aral for the exams, okay? Makakasama pa naman natin siya in the future." sagot na lang ni ate habang nakangiti.
"Sana." Napatingin na lang ako sa labas, nandito na pala bahay namin. Sabay hininto na ni ate ang kotse niya. Maaga pa kaya hindi ako mapapagalitan ni Dad.
"Thank you ate sa paghatid," sabi ko sa kanya nang maalis ko na ang seat belt ko.
"Tumawag ka kung may problema, ha?" bilin niya sa akin saka ako tumango at bumaba na ng kotse.
Hindi ko alam kung naka-alis na ba si ate kasi pumasok na agad ako sa loob. Sinalubong ako ng mga maid na nagwawalis sa labas. Nakita ko ang kotse ni Dad na nasa carport, akala ko umalis siya ngayon.
Nang makapasok na ako sa bahay, nakita ko sa living area ang mga kapatid ko. Pati si Mom na... umiiyak?
"Mom?" tanong ko agad tapos lumapit ako sa kanya. Nakita ko na lang si Dad, ang tamlay ng mukha niya.
Actually, lahat sila.
"What happened?" tanong ko sa kanila.
Maya-maya, narinig ko na lang na umiyak si Lilac. Sumunod na ang iba kong kapatid. May namatay ba?
"Mika."
Napatingin na lang ako kay Mom, umiiyak na talaga siya.
"May kailangan kang malaman."
"About?"
Huminga muna siya nang malalim. Tapos tumingin siya kay Dad, kaya napatingin na rin ako sa kanya.
"Ano ba 'yon, Mom?" Hindi na talaga ako mapakali.
Ngumiti muna siya sa akin. "Alam mong hindi ka namin totoong anak, 'di ba?" tanong niya kaya tumango naman ako, "noong inabot ka sa amin ni Audrey, nangako siya na babalikan ka niya."
"Mom, sino si Audrey?" tanong ko. Kinakabahan ako sa isasagot niya.
"Siya ang nag-abot sa amin ng baby which is, ikaw 'yon Mika." Nang sagutin ni Mom 'yon, tumulo na ang luha niya. "She was my friend."
She was my friend?
"Mom, siya po ba ang mama ko? Nasaan siya?"
Umiling siya. "Never nagkaroon ng boyfriend si Audrey, 'nak. Kaya imposible na siya ang mama mo."
"Pero, nasaan siya ngayon? Gusto ko siya makita-"
"Pinatay na siya five years after ka niya ibigay sa amin." Si Dad na ang sumagot.
Napatingin ako sa kanya. "Po?"
"Nagtrabaho si Audrey sa bahay ng mga Castacillo bilang katulong. Nalaman lang namin galing sa pamilya niya na, siya ang nag-alaga sa iyo noon."
Nang sabihin iyon ni Dad, nanginginig ang mga kamay ko. Kinilabutan ako dahil...
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...