seven

67 2 0
                                    

Claire's POV


-ETHICS CLASS-


"Class, pass your assignments." 

Kanyang-kanya pasa na ng papel ang mga tao rito. S'yempre, may gawa naman din ako. Pinaikot-ikot ko lang naman ang mga sinabi ko.

"Claire," Si Jo habang si ma'am, may sinasabi na ewan ko kung ano 'yon.

"Bakit?"

"Ang creepy talaga kagabi, promise. Sa sobrang takot ko, sinara ko lahat ng pwedeng pasukan ng magnanakaw. Nagulat na nga lang si papa kasi lock na lock talaga 'yon gate," aniya sabay tumawa pa siya. Akala ko pa naman, matapang 'tong tibo na 'to.


Since first year college ko pa siya naging seatmate. No'ng una, sobrang sungit niya talaga. Parang, papatayin niya kung sino man ang gustong makipag-usap sa kanya. 


Pero, kita niyo naman ang kabaligtaran 'di ba?


"Teka, ano'ng nangyayari? Bakit nagtatayuan sila?" tanong ni Jo na, napatingin na ko sa buong klase. Ano'ng meron?

"One. Two. Three," sabi ni ate Mika sa tabi ko, "kulang pa kami!"

"Miss Mika, sali ako," sabi ni kuya Karlos saka lumapit ang iba pang mga lalaki? Apat yata sila.

"Ako rin, sali," sabi ni kuyang...

"Teka, nagkita tayo sa P.E. 'di ba? Ikaw 'yon maliit," sabi ko habang nakaturo sa kanya.

"Joren ang pangalan niya, Claire." bulong ni Jo. Sorry naman, makakalimutin!

"Claire! Sali mo ako sa inyo, ah!" sigaw ni Airol sabay lumabas ng classroom.

"Ayan, kumpleto na tayo. So," sabi ni ate Mika tapos naglabas ng 1 whole yellow pad. 

"Palagay ng mga name niyo."

Nang ako na ang last na maglalagay ng name, heto ang mga member:


GROUP 3:

Delos Cruz, Mika
Ochoa, Jasmine
Alcantra, Lino
Dela Cruz, Karlos
Legaspi, Joren
Venterezal, Airol
Miranda, Timmy
Blanco, Joseph
Zurico, Renzo
Reinarez, Clara


Renzo's POV

Pagpasok ko ng room, may group meeting na nagaganap. Nakita ko si Lino na pinapapunta ako sa pwesto nila. 

"Ano bang pag-aawayan este, pag-uusapan?" tanong ko sa dalawang genius.

"'Yon nga, tungkol sa sinabi ni ma'am," sagot ni Lino. 

"E, ano ba 'yong sinabi niya? Galing akong c.r., e."


Pinakita ni Mika sa'min ang papel, nakalagay dito ang tatlong ethical cases. Tinignan ko lang, hindi ko na binasa. English, e.


"Yong una tungkol kay baby Theresa..." Pasimula na ni miss Mikailla. 

"Sinabi ng doctor sa parents ng baby na, may natitira na lang one or two weeks para mabuhay dahil most of her organs, hindi na nag-fu-function. Ngayon, sinuggest ng mga doctor na i-donate na lang 'yon organs sa mga nangangailangan na mga baby."

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon