March's POV
MS. MARCH DOSAL
You are invited to your last party
Hawak ko ang invitation card na nakita ko sa libro na nahiram ko. No'ng binalik ko sa kaklase ko, sabi niya, kay Joyce niya binili 'yon. Hindi niya napansin na naka-ipit 'yon.
Alam kong ngayon ang birthday party ni Joyce, mamayang 6 p.m. ang simula. Ang nakakaloka pa riyan, malapit sa village namin ang venue ng party nila.
Pupunta ba ako? Text ko kaya sina Axi at Sha-Sha. Ay, talagang pupunta ang mga 'yon kasi kaibigan nila si Joyce, e.
Malalaman kaya ni Lino na pumunta ako? Hindi niya kami pinapapunta dahil sila naman daw ang pupunta. E, 'di ayos. May kilala ako bukod kina Axi at Sha-Sha.
Tinignan ko ang orasan ng phone, 3:37 pa lang ng hapon. Nakapagpaalam naman ako sa nanay ko. Buti na lang pumayag siya kasi nalaman niya na malapit ang pupuntahan ko.
Pupunta ba ako?
Pahingi po ng sign para po pumunta mamaya, thank you po, Lord.
Maglalaba na lang muna ako. Natapos ko naman ang mga ipapasa ko. Bukas na lang ako mag-re-review para sa exam.
Pero, mukhang mag-shi-shift na 'ko ng course kasi dehado na ko sa tatlong Math subjects. Hindi ko na kayang i-angat papuntang tres. Final examination na lang ang pag-asa ko.
Pero, kung wala talaga...
Good bye, engineering! Huhu.
~~~
5:45 p.m.
Nakabihis na 'ko. Simpleng tshirt, pants at naka-itim na ballet shoes lang ang outfit ko ngayon. Hindi ko naman ka-close ang may birthday.
Nasa loob ng isang pang-mayaman na subdivision ang venue ng party. Kayang lakarin 'to kaya wala akong problema sa pamasahe, hihi.
Tinext ko na sina Sha-Sha at Axi, kaso wala silang reply. Pupunta kaya ang mga 'yon? S'yempre, kaibigan nila 'yon pero. . . 'di nga?
"O, ate, hindi ka pa umaalis?" Napatingin na lang ako kay tita habang hawak niya ang sandok. Nagluluto ng ulam.
"Maya-maya," sagot ko na lang sa kanya. Tinignan ko ulit ang phone ko, 5:43 p.m. na.
Weird lang kasi kinakabahan ako ngayon.
Pero, sige. Punta na lang ako.
Nakikita ko na ang subdivision na 'yon. Madaming pumapasok na mga sasakyan, hindi ko alam kung mga bisita ba ang mga 'yan or mga nakatira diyan.
Jusmiyo naman, wala pang reply sina Axi at Sha-Sha. 5:55 p.m. na po.
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...