eighteen

57 1 0
                                    

Mika's POV

"Oh. My. God."

Hayan na lang ang nasabi ni March nang makarating kami sa bahay ng mga Castacillo. Living area pa ba 'to? Sobrang laki na, e. 

By the way, 'yon isang babae ang sumundo sa'min. Nakasakay siya sa kotse nang makita namin siya sa labas ng campus.

"Ate, ate," tumingin ako sa kanya, "heto 'yon klase ng bahay ng mga mayayaman sa e-books na nababasa ko," bulong na lang niya. 


By the way, nagsusulat pala 'to ng kwento sa internet, fantasy-adventure-sci fic ang sinusulat niya. Actually, kaya naman niya magsulat ng kahit anong genre, except sa romance. Lagi niya pino-problema 'yon. At, ayaw na ayaw niya na ina-announce sa mundo ng internet ang mukha niya. Baka raw ma-discover siya ng long-time crush niya.


"Heto ang klase ng bahay na ang may-ari is isang lalaki na CEO sa kumpanya niya. Tapos, may isang baliw at mahirap na babae ang gugulo sa buhay niya dahil lang sa kasalanan ng babae. Waaaa! Kinikilig ako ate!" 


Ibang klase talaga mag-daydream ang babaeng 'to.


"Pero hindi ka marunong gumawa ng love story, 'di ba?" pagkasabi ko no'n, nawala agad ang ngiti niya at tumingin sa akin.

"Bad ka talaga ate, 'no?" sabi na lang niya saka ako natawa.

"Actually, apat kami nakatira rito at puro kami babae. Except kay Papa, s'yempre."


Napalingon na lang kami sa likod, malakas ba ang boses namin?


"Hala. Sorry po kung ang iingay namin," sabi na lang ni March.

Ngumiti sa'min si ate. "It's okay. Actually, gusto ni Papa na i-benta 'tong bahay."

"Hala! Bakit?" Aayy. Bibig mo Mika!

"Lakas ng boses mo 'te," sabi na lang ni March sa'kin.

"Sorry po." Tinakpan ko tuloy ang bibig ko. Kainis naman, e.

Agad naman tumawa si ate. 'Yon tawa niya, napaka-elegante, katulad kay misis Castacillo kahapon. "Okay lang. Hindi na rin gaano maingay ang bahay na 'to dahil never pinuntahan ng ibang tao."

"Hala, bakit? Meaning kami pa lang po ang bumisita sa bahay niyo?" tanong ni March saka naman tumango si ate.

"Pero ate, ano po pala ang pangalan niyo?" 

Napalingon ako sa tanong ni Marso.

"Baliw ka, bakit mo tinanong 'yon?"

"Huh? Bawal ba?" Hay nako, Marso.

Tumawa muna si ate, napaka-elegant niya talaga. "How cute. By the way, I'm Narshaine Illy Castacillo. Nice to meet you, girls." 

Nilahad niya ang kamay sa amin para makipag-shake hands.


Nauna na niyang kinamayan si March. Tapos nang kinamayan na niya ako, lumawak lalo ang ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako ngayon sa harapan niya. Hindi siya galit sa'kin, gano'n ang pakiramdam ko ngayon.


"Ate, pwede mo na bitawan ang kamay ni ate Narshaine," bulong na lang ni March.


Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon