thirty six

40 1 0
                                    

Zeb's POV


Akala ko naman, kung saan pupunta ang mga 'to. Dito lang pala sa lugar ni Claire.


Pinark ko ang sasakyan malapit sa simbahan. Nauna na silang bumaba, susunod na sana si Lino nang sabihin ko 'to sa kanya. 

"Saka na tayo mag-usap kapag busy na sila." After no'n, saka na siya bumaba ng kotse.


Sabi na e, classmate nga ni Lino si Jeremia.


Nakita ko ang mga babae, papasok na sa loob ng garden. Nasa likod lang nila si Lino. Hindi ko kilala ang tatlong babae na kasama ngayon ni Claire, este, Jeremia pala.


Napansin ko na, unting-unti dumarating ang mga tao ngayon sa simbahan. May misa ba?


"Zeb?"

Lumingon ako, si sister Venisse. "Po?"

"Bakit ang aga mo nandito?"

"Ah," tinuro ko ang garden kung nasaan si Claire ngayon, "maaga sila umuwi ngayon."

Nang makita niya si Claire, agad naman siya pumunta sa garden. Na, sakto naman, tumingin dito si Lino at lumapit sa akin. Binati niya muna si sister bago siya makalapit sa akin.


"Ngayon, pwede na ba tayo mag-usap?" tanong niya.

Tinignan ko muna ang mga babae na nasa garden. Bigla sila tumayo at lumabas. 

"Attend tayo ng misa," sabi na lang ni sister Venisse sa amin ni Lino. Tumango na lang ako saka umalis ang mga babae.

Catholic ako, hindi ko lang sigurado kung ano'ng religion ni Lino. 

"Sama ako sa inyo," bulong niya at naglakad na siya papuntang simbahan



~~~


2nd reading na. Nasa harapan lang namin ang mga classmate ni Claire katabi si sister Venisse.

Samantalang kami ni Lino, nandito sa likod. Buti kami lang ang naka-upo rito.

"Napag-utusan lang kaya naging driver ako ni Claire," bulong  ko. Tumayo na ang mga tao rito dahil sinabi ng MC na magsi-tayo ang lahat.

"Sino ang nagpa-utos sa'yo?" tanong niya. Hindi pa naman kami naririnig dahil kumakanta pa sila.


Teka, sasabihin ko ba ang pangalan?


"Si Joyce?" tumingin ako kay Lino, "kasamahan din ba ni Joyce?"

Huminga ako nang malalim. "Mga pamilya ng prinsesa ang nagpa-utos sa akin."

"Ha?" sakto na naririnig namin ang pagbabasa ni father.

"Sila mismo ang nakahanap sa akin. Alam nila na hinahanap ko ang mga prinsesa."

"E, ano'ng ginagawa mo? Bakit naging family driver ka nila?"

Nang matapos na magbasa si father, umupo na kaming lahat. "Utos nga nila sa akin na maging driver ako."

"Ano nga ang kinalaman mo sa kanila?" tanong niya sabay tinuro niya si Claire. Na sakto naman, lumingon si Claire sa amin.

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon