Karlos' POV
"Siya si Sheria Joyce Agustin De Paz. Siya ang boss ni boss Zeb. At isa siya sa mga naghahanap sa tatlong prinsesa."
Ganyan ang pagkakasabi ni Lino sa amin ngayon. Nandito kaming lahat sa bahay ni boss Zeb. Tapos si Lino, nakatayo siya. May hawak na maliit na remote panlipat sa presentation niya. Habang kami, nakaupo sa sala tapos may hawak pa kami na papel at picture na binigay niya kanina nang dumating kami.
So, heto pala ang emergency meeting niya, ah?
Tinignan ko ang picture ni Joyce. Ang alam ko naging kaklase ko na siya noon, hindi ko lang sure kung anong subject 'yon.
"Pucha, kaklase ko pa 'to sa Programming ngayon sem!" sigaw na lang ni Airol.
"Katabi mo pa, 'di ba?" tanong na lang ni Joren.
Napalingon naman siya. "Pa'no mo nalaman?"
"Naki-sit in ako palagi sa inyo 'di ba?" Tumango na lang si Airol.
"Bukod kay Airol, saang subject niyo pa siya kaklase?" tanong ni Lino habang may sinusulat siya sa papel.
"Last sem. P.E. ata 'yon. Kaklase ko siya," sabi na lang ni Renzo.
Tumango lang si Lino habang nagsusulat pa rin. "Si Renzo. Sino pa? Bukod pa sa Ethics. Ikaw Karlos?"
"Nakalimutan ko na kung ano'ng subject no'ng naging kaklase ko siya."
"Teka, bakit mo ba inaalam?" tanong ni Joseph.
Huminga muna siya nang malalim. "Kailangan lang natin maging maingat kapag makakasama natin siya sa classroom. Baka malaman niya na may kinalaman tayo kay boss Zeb."
Speaking of boss Zeb. "Nasaan pala 'yon? Bakit ikaw lang ang nandito ngayon?"
"Hindi ko alam. Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta."
"E, bakit dito ka nakatira ngayon?" napalingon sila sa akin, "hinahanap ka ng parents mo sa'kin. Akala nila, nakitulog ka lang sa bahay."
"Ah," sabi na lang ni Lino, "sabihin mo, saka na ko uuwi kapag okay na sila."
"Okay na sila?" tanong ni Timmy sabay kinalabit ako. "Nag-away ba sila ng magulang niya?"
"Sila ang nag-away, Timmy. Hindi kami. Ayoko lang marinig ang pag-aaway nila. Baka ma-stuck na naman sa utak ko," si Lino ang sumagot, "lalo na't malapit na ang final exams."
"Tangina, dehado na ko sa calculus," sabi na lang ni Joren habang nag-uungat siya ng binti, "mukhang see you next sem na ko nito."
"May summer pa pare. Okay lang 'yan," sabi na lang ni Timmy sabay pinalo niya sa braso si Joren.
"So, ano'ng gagawin natin kay Sheria?" tanong bigla ni Joseph.
"Bantayan natin siya."
"Bantayan?" tanong ko saka siya tumango, "at bakit?"
"Para malaman natin kung sinu-sino ba ang mga prinsesa na pinapahanap sa'tin ni boss." sagot niya, "'di ba siya naman ang may pakana nito?"
"Oo. Pero, nasaan ba kasi siya?" tanong ni Timmy. Hindi na sumagot si Lino. Mahahalata mo sa mukha niya na nag-aalala siya.
"Babalik 'yon. Baka importante lang talaga ang pinuntahan niya or personal na kaya hindi na niya sinabi sa'kin."
BINABASA MO ANG
Find The Three Princesses
ActionSa panahon ngayon, madali na ang lahat dahil sa patuloy na pag-uunlad ng technology sa ating society. P'wera lang sa mga lalaki na ito. Example na lang natin sina Lino, Karlos at Joren. Idamay na natin ang apat nilang tropa na parte rin ng grupo n...