four

120 2 0
                                    


Mika's POV

Karlos Panget:

Good morning Miss Dela Cruz :) Nandito ako ngayon sa garden. See you.


6:32 a.m.


Ang aga naman niya. Tapos ako, nandito pa sa kotse, naabutan na ng traffic. Pero, ayos lang. Nakita ko naman ang sinag ng araw ngayon. So beautiful.


I arrived at school 7 in the morning, to be exact. Dire-diretso agad ako sa garden at hinanap ang pangit na 'yon. Bakit ba kasi maling papel ang binigay niya sa akin? Kainis.

And, there he is. Naka-upo sa bench, nakatingala habang nakapikit. May nakasaksak na earphones. I don't know kung ine-enjoy ba niya ang pakikinig ng music or nakatulog siya. Baka nga walang music na naka-play sa earphones niya.

Kinalabit ko siya. Agad siya napatingin sa'kin na nakangiti then inalis ang earphones at tumayo. 

Bakit ang tangkad niya? May lahi ba 'to?

"Naku, Mikailla pasensya na kahapon, ah. Mali 'yon papel na binigay ko sa'yo," sabi niya pero hindi ko tinitigan. Busy ako kakahanap sa A4 paper na binigay niya sa'kin kahapon.

"Heto 'yon homework mo sa Rizal." Nang inabot ko sa kanya ang A4 paper, inabot rin niya sa'kin ang homework sa English. Nagsalitan kami then nilagay ko na sa bag ko.

"Una na ko, i-e-edit ko pa 'yon homework ko sa History," sabi ko nang matapos ko na ayusin ang mga gamit ko.

"Kain tayo."

Nahinto na lang ako sa pag-ayos ng gamit at tumingin sa kanya.

Problema nito?

"Kumain na ko. Kailangan ko na pumunta sa library. Bye!" Tumakbo na ko palabas sa garden.

Nahinto na lang ako nang makakita ako ng grupo ng mga babae, na may kasama pang lalaki, they are gays, actually. 


At mukhang alam ko na kung sino ang pupuntahan nila.


Karlos' POV


"Aah! Mga bakla! Si Karlos!"

"Akin 'yan, e!"

"Back off! He's mine, bitches!"

"Anakan mo na ko, please!"


Lintek. Kung pwede lang magdala ng baril dito, matagal ko na pinatay ang mga 'to. 

Heto ang ayoko kapag 8 na ng umaga, marami na ang nakatambay dito sa garden. Bukod pa do'n, alam nila na paborito kong tambayan 'to kaya, hayan sila. Parang akong K-pop star nito, kainis.

"Tsk. Maka-alis na nga," bulong ko sabay walk-out na lang ako. Akala ko susundan pa ko ng mga babae na 'to. Hindi ko alam bakit may bading silang kasama. Partida, siya pa ang nagsabi na anakan ko siya. Tss.

Gutom na ko, sa'n kaya pwede kumain? Gusto ko kasi may kasama akong kumain kaya niyaya ko si Mikailla. Kaso, kumain na pala siya. 

Ano ba ang masarap kainin ngayon?

Ah, tama. Kwek-kwek na lang kakainin ko ngayon. Almusal, ganoon.


~~~

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon