one

165 3 0
                                    

Lino's POV


[Hoy, mga puta... Pumunta nga kayo rito.]


Magtatanong pa sana ako nang inend na niya ang call. Bastos talaga 'to minsan, e. Pati bibig niya, bastos din magsalita.


Lumingon ako sa dalawang lalaki sa dining table na naglalaro pa rin ng chess. Tae, ayaw pa magpatalo ng isa, oh! Masyadong genius 'yon kalaban niya, e.


"Check!" sigaw ni Mr. Genius a.k.a. Karlos.

"Ampotek! 'Yoko na sa'yo!" sigaw na lang ni Joren. Tsk tsk. 

After no'n, nilapitan ko na ang dalawa.

"Mukhang magkakaroon tayo ng part-time job," sabi ko sabay kinuha ko ang baso ng orange juice na 'to at uminom. Hindi ko alam kung kanino nga 'to, e.

"Hoy Lino," si Joren, "papatay na naman ba tayo ng kriminal?" tanong niya saka ako umupo sa tabi niya.

"Ewan ko, wala naman sinabi, e." sagot ko. May pinatay pala kami last month, siyempre, tuwang-tuwa ang kliyente namin nang malaman niya 'yon. Akala ko, siya ang kontrabida, hindi pala.


Oo, pumapatay kami ng kriminal. I repeat, kriminal. KRIMINAL. KRI-MI-NAL. Okay? Our parents never allowed us to kill innocent human beings. Dahil kapag ginawa namin 'yon, sila ang papatay sa'min. Katakot nga, e.


Pumayag naman sila sa sideline namin. Si boss Zeb ang nagsabi, hindi kami.


Kaya kami nahila sa ganitong trabaho dahil sa kanya na, nagligtas sa aming tatlo. May gusto kasi kumidnap sa amin. Papunta kami sa arcade nang may kumuha sa amin. Ipapasok na sana kami sa loob ng van nila nang sumugod si boss para tulungan kami.


Actually, classmate ko ang mga 'to, sina Joren at Karlos, noong first year college pa lang kami. Last year dahil second year na kami. Hindi talaga kami close na close, 'yon bang hanggang classmate lang talaga. Pero, pagkatapos namin tanggapin ang offer ni boss, naging close ko na ang mga 'to. Lalo na no'ng tinuruan kami kung paano gamitin ang baril, hayun na ang oras na kinilala namin ang isa't-isa.


Hindi lang ang dalawang 'to, may tatlo pa kaming tropa na kasama sa gawain namin. Heto lang ang trabaho namin. Kaya naman, tuwang-tuwa ako dahil may gagawin kami ngayon sem-break.


-STUDIO TYPE HOUSE NI BOSS-


May binato siya sa'kin na folder. Long folder na puti.

"Open." utos niya tapos umupo siya sa bar stool sa kusina niya. 

Nang binuklat ko ang folder, heto ang nakalagay sa papel...



Find:

<CLEONARA GAIL ABALOS-CASTACILLO>

<CRYSTALLINE ANTONETTE LEE-FORTOULALLEZA>

<JEREMIA LORRAINE SANTOS-ABELCELLDA>


Chineck ko ang likod ng papel. Kaso, wala na nakalagay.

"Heto lang?" tanong ko. Tumango naman siya. Ang laki naman ng font na tinype niya.

"Ang arte mo. Kailangan naka-folder? Hindi pwedeng sabihin ang pangalan nila?" tanong na lang ni Joren.

"E, hayan ang binigay sa'kin! Magagawa ko?"

"Pa'no namin sila hahanapin kung wala naman kaming picture nila?" tanong ni Karlos. Oo nga 'no? Talino talaga nito!

"Hindi ko alam! Matalino ka naman, e! Gawan mo ng paraan!" sigaw niya. Ginulo pa niya 'yon buhok niya tapos uminom ng tubig. Problema ba nito?

"May dapat pa ba kaming malaman?" tanong ko.

"Bukod sa pagiging gwapo ko? Wala. Wala naman problema." saka na siya tumawa na parang tanga. Matapilok sana siya mamaya paglabas ng unit niya.


Ay, by the way, lalaki ang boss namin. Madalas po siya moody, 'kala mo babae.


"Sige na. Hanapin niyo na sila," aniya, "may sweldo na pala kayo, check niyo na lang sa ATM card niyo, ha? Baka kasi wala kayo allowance sa pasukan. Kawawa pa kayo." 

Ayown ang gusto ko sa kanya. Kaya mahal na mahal ko si boss kaysa sa magulang ko. HAHAHAHA! Joke, mahal ko naman ang mga magulang ko.


Kahit na nag-aaway sila araw-araw. Naghihintay na lang ako na isa sa kanila, maglayas sa bahay. 'Wag nga lang nila pababayaan ang tuition ko sa school. Hahabulin ko talaga ang mga 'yon.


Napatingin ulit ako sa folder at tinignan ang tatlong pangalan. Buhay pa ba ang mga 'to? 


Nakikain muna kami bago lumabas ng unit niya. Ako na ang huling lalabas nang biglang...


"Punyeta ka talaga, Sheria! Hilig manggulo!"


Akala niya siguro hindi ko siya naririnig kasi nakasaksak na ang earphones sa tenga ko. Actually, hindi ko pa plinay 'yon music.


Tsk. Pa'no namin sila hahanapin?


~

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon