thirty

56 1 0
                                    

Zeb's POV


Nasaan ba ako ngayon? Nandito sa bahay ng mga Fortoulalleza. Ngayon ko pa lang mame-meet ang mga magulang ni Livardo. 


Kasalanan ni Narshaine 'to, kainis.


"Hoy, huwag ka matakot sa mga 'yon," sabi na lang ni Livardo sabay nilapag sa side table ang phone niya.

"Galing kasi manakot ni Narshaine, e." Napainom tuloy ako ng tubig. Nanginginig na ang mga kamay ko ngayon.

Nakita ko na lang na nakangiti si Livardo. "Mahilig talaga manakot si ate Narshaine. Hindi ka na nasanay sa kanya."

"Ano ba ang sinabi ni Narshaine sa'yo?" Boses iyon ni Tonni kaya hindi ko na siya nilingunan.

"Papatayin daw ako ng mga magulang niyo kapag hindi ko sila sinagot nang maayos." sagot ko tapos uminom ulit ako ng tubig. Ubos ko na pala.

"Hindi ka naman namin papatayin."

Boses babae na ang narinig ko kaya lumingon ako sa likod. Nakita ko na lang na mag-asawa tapos sa likod nila, naroroon si Tonni.

"Oh. Ma. Pa," sabi na lang ni Livardo kaya pinuntahan niya ang... magulang?


Magulang niya 'to? Parang oo kasi tinawag niya na "ma" at "pa" ang mga 'to, e. Tapos, nakipag-beso pa siya.


Matapos niyang batiin, tumingin siya sa akin. "Siya pala si Zebastian. 'Yon sinasabi ni ate Narshaine sa inyo last week," sabi niya habang nakaturo siya sa akin.

"Good afternoon po." bati ko na lang sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin tapos pumunta sa tapat ko para maupo. Gano'n din naman sina Livardo at Tonni.


Pa'no ko ba nakilala ang mga 'to? Dahil kay Narshaine. 


Pa'no ko nakilala si Narshaine? Dahil sa ex-girlfriend ko dahil acquintance sila.


---3 MONTHS AGO---


"Baby!"

Boses na iyon ng girlfriend ko. Nasa mall ako, maingay dahil may event na nangyayari rito.


Nakita ko siya na naglalakad dito. Kaso, may kasama siya na babae. Kausap niya ngayon.


"Sorry baby, kung nalate kami." Hayan ang nasabi tapos hinalikan ako sa pisngi. Bakit ba paganda siya nang paganda araw-araw?

"By the way, siya pala si Narshaine Castacillio. Anak siya ng boss namin sa office," sabi pa niya sa'kin sabay tumingin siya sa kasama niya, "ma'am si Zeb po, boyfriend ko."

"Please, drop that 'ma'am Narshaine', ha? Nakakairita." After niyang sabihin iyon, tumingin siya sa akin. 

"Nice to meet you, mister Zeb," sabi niya sabay nilahad ang kanang kamay niya para makipag-shake hands.


Narshaine Castacillio? Familiar ang surname niya. May kinalaman ba siya sa paghahanap sa mga prinsesa na pinapahanap ni Joyce?


"Baby, bakit?" Napatingin na lang ako sa girlfriend ko. At na-realize ko na hawak ko pa rin ang kamay niya. Kaya agad ko naman binitawan. Baka kung ano'ng maisip ng baby ko.

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon