five

98 1 0
                                    

Joren's POV


"JOREN!"


Nahinto na lang ako sa paggamit ng phone nang marinig ko sila. Familiar kasi ang mga boses na 'yon. Kaya, tumingin ako at... tama nga ako.


Not just one, not two, not also three but ten. Opo, binilang ko po. Sampu sila, limang mga babae at limang mga bading. Kahit naka-school uniform sila na pang-lalaki, bading pa rin sila. 

Kainis, heto 'yong mga stalker, e. Tsk. Simple lang naman ang ginagawa ko kapag nandiyan sila. Binulsa ko muna ang phone at huminga nang malalim. Ngumiti rin ako sa kanila.


"Hi." 


Sabay takbo palabas ng school na 'to bitbit ang bag ko. Buti na lang, naka-school uniform na 'ko. 


"Aaahh! Sama kami!"


Mga siraulo, lumayo kayo sa'kin!


Imaginine niyo ang scenario sa anime na, hinahabol ng mga babae ang campus crush nila. Ganitong-ganito ang nangyayari sa'kin ngayon. Naiintindihan ko na ang pakiramdam na hinahabol sa loob ng school. Kainis.


Mula nang matanggap ako sa TCMU Dance Elite noong first year pa 'ko, nag-exist na sila. Actually, dalawang babae lang naman ang naghahabol sa akin. Wala lang naman sa akin dahil kilala ko naman sila.

Pero, hindi ko na sila gaano nakaka-usap dahil dumami na sila. Ang nakakatawa pa nito, may bading na sumama sa grupo nila. Palagi sila ganyan kapag nakikita nila ako sa hallway, sa garden, kahit sa labas ng library, nagsisigaw sila.

Pero, ayos na rin na nag-e-exist sila. Palagi sila present sa competition na sasalihan namin at iche-cheer ang grupo namin. Minsan pa nga, sila ang nagso-sponsor ng pagkain namin after ng competition.

Pero, sana naman, sa grupo lang sila ganito. Hindi ako 'yon nag-su-suffer ngayon. Kainis, ang layo ko pa sa gate.


"Sa'n na ko pupunta-whoah!" Hayan na lang ang nasabi ko dahil may humila sa'kin nang paliko na 'ko.

"Nasa'n si Joren, myloves?" tanong ng isang babae. 

Nakita ko na lumiko sila dapat sa dadaanan ko. Safe na ba?

"Tsk. Sa susunod kasi, umalis ka na agad ng P.E. court after mo magbihis."


Oy. Si Jo?


Lumingon ako at si Jo nga! Tae, siya pala ang humila sa'kin.

Ngumiti siya. "Infairness, dumami sila compare sa nakita ko kanina sa court."

"Ha?"

"Baliw, kanina pa nila hinihintay."

Bakit ang ganda niya? Tibo ba talaga 'to?

"Sandali. Sisilip lang ako," sabi niya saka siya lumingon-lingon sa paligid, "okay na, puwede ka na umalis."

Napatayo ako nang tuwid. "Salamat ah. Ge, kita na lang tayo sa practice." sabi ko sa kanya sabay tumakbo na ko. 


Tangina namumula na ang pagmumukha ko.


Jo's POV

Find The Three PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon