JASMINE
"Rose...Daisy...Dhalia!" napapaos na ako sa kakasigaw ng mga pangalan nila pero wala ni isa sa kanila ang nakakasagot.
"Saan na kayo guys?" mangiyak ngiyak na bulong ko sa sarili ko ng tuluyan na akung sumuko.
Magtatatlong oras ko na silang hinahanap at palibot-libot sa masukal na islang ito. Pagod na pagod na ako.
Huminto ako sa paglalakad at huminga ako ng malalim, wala na akung lakas para magpatuloy pa.
Pabagsak akung umupo ako sa maputik na lupa at sumandal sa puno. Niyakap ko ang sarili ko at ipinatong ko ang baba ko sa ibabaw ng nanginginig at pagod na pagod kung tuhod. Naluluha nalang ako sa tuwing naiisip ko na baka may nagyari nang masama sa mga kaibigan ko.
Hindi ko na rin mahanap ang daan pabalik sa bangka.
Kinuha ko ang lowbat kung cellphone sa bag at tiningnan ko ang mga pictures namin ng mga kaibigan ko pati na rin ang mga litrato ng pamilya ko.
Namimis kaya ako ng pamilya ko? Kahit pa siguro tuluyan na akung mawala ay wala naman silang pakialam sa akin. Walang maghahanap sa akin. Nobody cares about me, about my existence! Maliban lang sa mga kaibigan ko.
Napabuntong hininga nalang ako.
Nakakatakot ang madilim na paligid at iyak ng mga sanga ng puno sa tuwing hinahampas ng malakas na hangin. Ang lamig...
Im starving to death. Hinihimas ko nalang ang gutom kung sikmura na kanina pa nag dedeliryo dahil sa gutom.
Bakit ba kami umabot sa ganito.
Pumikit nalang ako, reminiscing the happy moments of my life para maibsan ng bahagya ang takot na nararamdaman ko.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay bigla akung nakarinig ng mga hakbang papunta sa akin.
Kinabahan ako at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Wag kang kikilos." mahigpit na hinawakan ng nagsalitang lalaki ang batok ko habang nakatutok ang muzzle ng baril nito sa ulo ko.
Nanlaki ang mga mata ko at parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Katapusan ko na. Napalunok nalang ako ng sunod sunod. Hindi ako maka kilos at makapagsalita.
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa batok ko at mas idiniin nito ang baril sa ulo ko.
"Sino ka? tanong ng lalaki sa seryoso nitong boses. "Bakit ka nandito sa Isla?!" Naka position ito sa gilid ko, nakaupo ito ng paluhod habang ang kaniyang isang tuhod ay nakalapag sa lupa at ang isang binti nito ay naka-corner sa akin.
Hindi ako sumagot. Madiin nalang akung pumikit.
"Sino ka?! Sagot!" asik ng lalaki.
Kung may nangyari mang masama sa mga kaibigan ko ay mas gugustuhin ko pang mamatay nalang kaysa mabuhay, wala namang pakialam sa akin ang pamilya ko.
"Patayin mo na ako kung yan ang ikakaligaya mo!" sambit ko sa kaniya. "Magpapasalamat pa ako sayo."
Tinanggal niya ang kamay niya sa batok ko at bigla niyang inilipat ang malapad nitong kamay sa leeg ko at mahigpit niya akung sinakal.
Nanlaki ang mga mata ko and i gripped his wrist tightly para alisin ang kamay nito sa leeg ko.
Hindi ako makahinga. Nasasakal ako.
Mas gugustuhin ko pang barilin nalang niya ako kaysa patayin niya ako sa ganitong paraan.
"Bi--tawan mo-- ako!" asik ko.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...