JASMINE
Nagising ako dahil sa tunog ng katok sa pinto. Nang imulat ko ang aking mata ay wala na sa tabi ko si Vulture. 'Saan naman kaya yun.'
Napahawak ako sa bigla sa sentido ko dahil sobrang sakit ng ulo ko, ramdam ko ring namamaga ang mga mata ko. Mabigat ang pakiramdam ko at nabuhay na naman ang lungkot na nararamdaman ko.
"Jasmine, anak.." Malambing na tawag ni Mom habang kinakatakot niya ang pinto. "Jasmine.."
Si Mom!
Tiningnan ko ang oras. 12:30 P.M, Hapon na pala, buti nalang at medjo mahaba haba na rin ang naitulog ko.
Bumalikwas ako ng bangon, bago ko muna buksan ang pintuan ay sinigurado ko munang hindi makakahalata si Mom. She's very observant kaya madaling makahalata iyon. Nang makasigurado ako ay lumapit ako sa pintuan at binuksan ko iyon. "Mom.." Sabay ayos ko sa buhok ko.
"Baby..are you alright?" Agad niya akung niyakap at ganun din ako. Actually, I really really miss them so much, Minsan ko lang silang nakakasama dahil nga sa busy schedules nila, kung hindi lang nangyari ito kay Kuya Marvin at sa mga kaibigan ko ay sobrang saya ko siguro ngayon, pero dahil sa mga nangyayari ay hindi ko na magawang ngumiti at maging masaya kahit buo kami ngayon. "Sobra kaming nagalala ng Dad mo sayo anak.." She gently cupped my face. "Im so sorry baby..." Naiiyak na sabi niya.
Humiwalay ako sa yakap niya. "Mom stop it.." Marahan kung hinawakan ang magkabilang balikat niya habang nakatitig sa kaniya. "I knw you didn't mean it.."
"Anak listen..dapat maintindihan mo kami ng Dad mo.. we're so busy planning and building your better future, ikaw at ang mga Kuya mo, you should be proud.."
Napasinghal ako sa sinabi niya, yan nalang lagi ang dahilan nila pag sinusumbatan ko sila pagdating sa oras nila sa pamilya nila.
"You didn't even bother to call me when i was on vacation, ni hindi niyo nga ako kinamusta kung okay lang ba kami, kung buhay pa ako.." Mangiyakngiyak kung sabi.
Nasira ang phone ko at walang signal sa Islang iyon so its impossible for me to received calls from them. Sinusubukan ko lang kung tinawagan nga ba nila ako o hindi nga, Masaya na akung marinig na sinubukan nga nila akung tawagan pero hindi nila ako macontact. Okay na yun sa akin.
She smiled at me. "Baby.. We're not going to disturb you on your vacation, tska sobrang nabusy kami this past few days.." Kumirot ang puso ko sa sagot niya, so tama nga ang hula ko na ni hindi nila ako inaalala sa loob ng ilang araw. Asa pa ako! Im always begging for their attention.
"Its okay nasanay naman ako.." Sabi ko. "And please Mom stop calling me baby hindi na ako bata, pwede na nga akung magka-baby eh." Reklamo ko.
Natawa siya ng malakas sabay hawak sa kamay ko at inigiya niya ako sa Couch. "You're always and forever my Baby girl kahit magka apo ka pa baby ka parin namin haha! Halika ka nga magusap muna tayo saglit.."
Sabay kaming naupo sa Couch at humarap siya sa akin.
Oh God!
Narinig ko nalang ang malakas na tunog ng shower. Nasa loob lang pala ng banyo si Vulture.
Im so dead!
"Baby..Naiwan mo yatang bukas ang shower mo.."
"Ah eh oo nga po Mom, e sara ko muna wait lang po.." Natatarantang sabi ko.
"Ako nalang anak, CR na rin ako, naiihi kasi ako bigla." Tatayo na sana siya ng pigilan ko ang kamay niya.
"Mom ako na.." Pilit akung ngumiti sa kaniya at mabilis na naglakad papunta sa CR. "Sa kabila ka na Mom please, medjo barado kasi eh Hehe.."
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...