HAWK
8 years ago.
Flashback
3:00 pm
Nagising ako ng mapanaginipan kung muli ang nangyari mahigit isang taon na ang nakakalipas. Paulit ulit kung pinapanaginipan ang galit na galit at umiiyak na mukha ng batang babae. Walang araw na hindi ko napapanaginipan ang malungkot nitong mukha at naging musika na sa pandinig ko ang tunog ng iyak nito.
Panaginip.
Naglalakad ako sa isang hallway ng bigla akung mapatigil sa paglalakad. Narinig ko ang isang pamilyar na musika. Nagmumula sa kwarto na nasa tapat ko.
Happy birthday to you..
Happy birthday to you..
Happy birthday..
Happy birthday..
Happy birt------Bakit tumigil ang kanta? Tanong ko sa sarili ko.
Dahan dahan akung lumapit sa pintuan ng kwarto at narinig kung may batang umiiyak sa loob ng silid.
Dahan dahan kung binuksan ang pintuan, wala akung makita dahil napakadilim sa loob, mas lumakas pa ang naririnig kung nakakapangilabot na iyak ng bata.
Hinanap ko kung sino yun at nabigla ako ng makita ko siya---
Nakasandal ito sa pader at yakap yakap ang kaniyang sarili. Nakapatong at nakatago ang kaniyang mukha sa kaniyang mga tuhod. Nakasuot ito ng asul na gown at punong puno ito ng dugo.
Ang mga kamay niya ay nanginginig sa takot.
Lumapit ako sa kaniya at hinawi ko ang buhok nito. Iniangat niya ang mukha niya at tumingin sa akin. Malungkot na malungkot ang mukha niya at umiiyak ito--hindi luha kundi dugo.
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang mag iba ang reaksyon ng mukha niya.
Ngumisi ito sa akin at binigyan ako ng mala demonyong ngiti. Naging itim ang buong mata nito at umabot hanggang tainga ang dulo ng labi niya.
Humalakhak ito na parang demonyo.
Napansin kung suot nito ang kwentas na binigay ko sa kaniya noong kaarawan niya.
Dhalia...
Nagulat ako ng bigla niyang agawin sa akin ang dala kung baril at---binaril niya ako sa dibdib.
Duguan akung natumba sa sahig.
Ngumisi ito sa akin at binaril ako ulit...
+++
Napabuntong hininga ako at pinagpapawisan ng malamig.
Paulit ulit kung pinapanaginipan ang pangyayaring yun.
Alam kung walang kapatawaran ang nagawa ko sa pamilya niya at sa kaniya. Kaya hindi ako pinapatahimik ng ala-alang iyon.
Buhay na buhay parin sa alaala ko ang masayang ngiti nito at ang mainit nitong yakap sa akin.
Iyon ang una at huling beses na nakaramdam ako ng pagmamahal.
Labing tatlong taong gulang na ang batang iyon ngayon.
Marami na akung naisagawang trabaho at yun ang hindi mawalawala sa isip ko. Alam kung mali ang lahat ng ito, alam kung hindi tama ang lahat ng ginagawa ko---ngunit ito ang buhay ko---
Namulat ako sa buhay na walang pagmamahal, walang maramdamang awa at namulat sa karahasan.
Hindi ko hawak at kontrolado ang mga nangyayari at naka depende ang buhay ko sa trabaho ko.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
Storie d'amorePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...