Chapter 16

2.1K 136 105
                                    

RAVEN

Pagbalik ko sa bahay ay nagulat nalang ako ng salubungin ako ng makapal na usok. Tuluyan nang tinupok ng apoy ang bahay. Halos naging abo na ang lahat.

Kinabahan ako.

Naisip ko agad ang babae na iniwan ko sa bahay kanina, naka kandado pa naman ang pintuan at nakasara ang lahat ng bintana kaya mahirap itong makalabas.

Mabilis akung lumapit sa bahay at iniexamine ang loob.

Naubo ako ng ilang beses dahil sa makapal na usok. Hinubad ko ang damit ko at itinakip ko sa ilong ko. Hindi ko maklaro ang dinadaanan ko, sobrang dilim. Tuluyan nang naapula ang apoy ngunit nagiwan ito ng makapal na usok.

Mukhang ilang oras na itong nasusunog.

Dumiretso ako sa kwarto pero walang bakas ng katawan. Sa sala. Sa kusina. Sa banyo.

Wala.

Mabilis akung lumabas ng bahay.

Nakahinga ako ng malalim ng makumpirma kung wala ito sa loob ng bahay ng mangyari ang sunog.

Saan na kaya siya...

Masyadong delikado sa labas pag ganitong oras dahil maraming nagpapatrolya.

Maliban sa amin ay mayroon din mga Patrol at mga Guard ang nasa Guilla. Hindi sila kabilang sa Agila ngunit kabilang sila sa Black Eagle Association.

Mahigpit nilang binabantayan ang loob ng Isla.

Sila ang mata ni Mr. Siao pagwala siya sa Guilla.

Marami ring mga Bodyguards ang nakapaligid kay Mr. Siao kahit saan siya pumupunta.

Marami ring mga trabahante sa Pabrika ng pagawaan ng mga Illegal na produkto sa loob ng Isla ang sapilitang pinagtatrabaho. Ilang dekada nang nagtatrabaho ang mga ito sa loob ng Guilla.

Napasuntok ako sa puno at napabuntong hininga ako ng malalim. Naihilamos ko ang magkabilang palad ko sa mukha ko dahil sa labis na pagkadismaya.

Tiningnan ko ang bahay.

Nalungkot ako.

Wala na ang tahanan na binuo ko magisa.

Edi bumuo ka ulit ng kayo nang dalawa ang magkasama!

Sigurado akung sa dalampasigan siya papunta dahil nandoon ang bangkang sinakyan nila at magbabakasakali siyang makita ang mga kasama niya roon.

Mukhang siya rin ang may kagagawan ng sunog na ito.

Nagtiim ang bagang ko at napasuntok ako sa puno dahil sa galit, hindi dahil sa ginawa niyang sunog kundi dahil sa pagtakas niya.

Hindi ka makakatakas sa akin!

Nagkamali kang mapadpad rito kaya mananatili ka sa ayaw at gusto mo.

Mabilis akung naglakad papunta sa dalampasigan.

Pagdating ko ay walang tao. Wala na rin ang bangka. Sigurado akung may nakakaalam na sa mga nangyayari maliban sa akin.

Saan na kaya siya...

Habang naglalakad ako ay may namataan akung nagpapatrolya na mga guwardiya, Lumapit ako sa kanila.

"Boss." bati sa akin ng isa.

"May problema ba?" tanong ko sa kanila.

"May na detect na presensya ng tao malapit sa highland Boss, kailangan naming kumpirmahin."

Hindi ako nagpahalata. "Hindi kaya isa lang sa mga kasamahan natin ang nagawi roon?"

"Unusual movement Boss." sabi ng isa.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon