JASMINE
I feel suffocated!
Ramdam ko ang tensyon na namumuo sa pagitan namin, He was sitting here on my bed half naked, only white body towel covered his body. Kunwariy busy akung nakatutok sa Laptop ko at hindi napapansin ang presinsya niya.
He cleared his throat once again, trying to caught my attention. I tried to focus on what im doing but his newly bath scent makes me out of focus.
In the corner of my eye, nakita ko siyang sumandal sa headboard ng kama.
Silence dancing all over the corners of my room.
"You know what kumain na tayo." Biglang sabi ko sabay shutdown at sara ko sa Laptop. I finally broke the silence. "And please wear some clothes for god sake! May mga nilagay akung damit diyan, yan na muna suotin mo.."
Tumayo siya at kinuha ang mga damit na nakalagay sa kama. Mabilis akung napaiwas ng tingin at mabilis na naglakad papunta sa sofa ng bigla nalang niyang tanggalin ang tuwalya sa katawan niya na wala man lang excuse, buti nalang at nakatalikod ito sa akin, Oh my gosh! That sexy butt! Gusto ko siyang sabunutan dahil sa ginawa niya, nakakainis! Is he trying to seduce me? Napapailing iling nalang ako.
Tsk! Bakit ko ba naisipang isama siya rito.
Gaya ng pinaluto ko kay Yaya, Scramble eggs, pancake, fried chicken, beef caldereta at rice ang nakahain ngayon sa table, it was actually a center table not a dining table. Ngayon lang ako kumain rito sa room kasi sa baba talaga ako kumakain, nagtataka nga si Yaya kung bakit dito ko daw naisipang kumain ng dinner.
Nang matapos siya ay naramdaman kung naglalakad na siya papunta sa akin, Sumulyap ako sa kaniya ng makaupo siya sa right side ko. He's wearing white V-neck shirt and black short. Hapit na hapit sa katawan niya ang damit dahil nga di hamak na mas malaki ang katawan niya kaysa kay kuya.
"Alam mo hindi ko dapat to ginagawa e, few days ago noong nasa loob ako ng pamamahay mo, you're hurting me right? binabastos at sinasaktan mo ako.. remember? Kinulong mo pa nga ako sa madilim at malamig na silid na iyon..Ni hindi kana naawa sa akin." Seryosong sabi ko. Gusto kung sabihin ang mga bagay na ito sa kaniya para naman ma realized niya kung gaano siya kasama. "And now you're here in my room, treating you with care.."
"Oh bakit dika makasagot?" Tumingin ako sa kaniya, tahimik lang itong nakaupo. "dahil totoo?.."
Bumuntong hininga ako. Nagaalala na naman ako sa mga kaibigan ko. Sisikapin kung masagip sila sa lugar na iyon.
"Bibili tayo ng mga damit mo bukas kaya yan na muna pagtiyagaan mo.." Sabi ko habang sinasalinan ko ng pagkain ang plato.
Sobrang miss na miss ko ang mga luto ni Yaya lalo na ang kaniyang beef caldereta.
"Tsaka bukas pagkagaling ko sa presinto after kung mag report, hahanap tayo agad ng matitirahan mo.." Sabi ko sabay abot sa kaniya ng platong may pagkain.
"I'll stay here." Pihado niyang sabi.
"What?! No!" Nagkasalubong ang tingin namin. Kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata ko. "Hindi ka pwedeng magstay rito, Kasama ko ang pamilya ko alam mo yan.."
"Kung ganun, ikaw nalang ang sumama sa akin." Seryoso niyang sabi.
"Are you out of your mind?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Hindi rin pwede! Naririnig mo ba yang sinasabi mo.."
Kaya nga kita e hahanap ng matitirahan mo dahil hindi ako komportableng kasama ka tas sasama pa ako sayo baliw!. Sa isip ko.
"Then I'll stay here, kung saan ka doon ako.." Seryoso niyang sabi.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...