JASMINE
Oh. my. Gosh! I can't believe this!
Our dream vacation turns into nightmare!
Oh God.
Not this day.
Not in this place.
I dont want to die in this place.
Sinubukan naming tumawag ng tulong pero walang signal.
Crap! This place is a piece hell.
Sobrang lamig at mukhang uulan pa.
Hindi parin kami maka move on sa nagyari kanina.
Naglakas loob kaming balikan ang mga naiwan naming mga gamit sa lugar kung saan namin nakatagpo ang mga Lobo.
Bumalik kami sa dalampasigan and we stayed closed to each other while waiting for a miracle.
+++
11:45 pm
Im so exhausted, gusto ko nang magrelax.
Gosh! Im miss my freaking bed so bad!
Bigla akung naalimpungatan sa nakita ko!
Motorboat!
At last!
Isang Bangkang Motor ang papunta sa direksyon namin.
Nabuhayan ako ng pag-asa ng matanaw ko na papunta siya sa kinaroroonan namin. Napalundag kami sa sobrang saya dahil sa wakas ay may dumating na rin.
"Hey, hey...dito sa banda rito" Sigaw namin habang winawagayway namin ang mga kamay namin sa ere para mapansin ng driver ng bangka.
Hindi nagtagal ay huminto ito sa harapan namin.
Bumaba ang driver ng bangka at lumapit sa amin. Matanda na ang driver nito siguro mga nasa early 50's, payat at maitim, nakasuot ito ng kulay white na tshirt at naka jacket ng maong at sa kaniyang pangibaba naman ay short na maong at naka tsinelas.
"Ma eme esmali indka mosinki" wika ng driver na sa tingin ko ay native na salita nito.
"Messori, Messori Isla" sagot ko, habang tinuturo ko yung bangka niya, senyales na dalhin niya kami sa Messori.
"Ah Messori Isla." He nodded.
"Oo kuya papunta po kami ng Messori, baka po pwede niyo kaming maihatid doon. pls po..." Sabi ni Daisy.
Mukhang hindi marunong magtagalog ang matanda dahil mukhang hindi niya kami naiintindihan.
Nagsenyas si Manong na sumakay na kami sa bangka. Sobrang saya namin, para kaming inalis mula sa impyerno.
Sa wakas!
Para akung nabunotan ng sirang bagang sa sobrang saya ko. Sa wakas ay masisilayan na namin ang Messori.
"Dont worry we're safe na." sabi ko sa kanila.
"I hope so." sagot ni Rose na may bakas parin ng pagaalala sa kaniyang boses.
Umakyat kami sa bangka at tinulungan din kami ni Manong sa mga dala namin.
Habang nasa biyahe kami ay mayroon kaming isla na dinaanan, mailaw ang isla na yun at parang buhay na buhay, baka ganun din ang Messori Island.
Nawala ang kaba ko at na excite ako! Soon makakarelax din kami.
Tanging malawak na dagat ang nakikita namin at sobrang lamig, napapayakap nalang kami sa mga sarili namin.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...