Chapter 14

2.1K 89 32
                                    

ROSE

Nakahinga ako ng malalim ng makaalis na siya, sana hindi na siya bumalik.

Ang nakakainis lang ay bago ito umalis ay sinigurado muna niyang hindi ako makakalabas.

He nailed all the windows shut at ni locked ang pintuan sa labas.

Naaamoy niyang may balak akung tumakas.

Nakakagalit at tumataas lalo ang dugo ko.

Grrrr!

Parang ngayon lang nakakita ng babae kung makatitig sa akin. Napakawalang modo rin, buti nalang natapos ang kalbaryo ko sa banyo bago pa niya masira ang pinto.

Napabuntong hininga nalang ako.

Kung hindi lang talaga siya pogi malamang tinusok ko na ng tinidor yung mga mata niya na kanina pa nangiinis sa akin.

Masyado nang nagaalala this time sina Lolo at Lola lalo na si Mom and Dad.

Bakit ba niya ako kinukulong dito? Mukhang may balak siyang ibenta ang mga lamang loob ko.

Creepy...

Saan na kaya ang mga kaibigan ko?

Naihilamos ko nalang ang magkabilang palad ko sa mukha ko habang umiiyak.

Humagulgol ako sa pagiyak.

Kailangan kung makaalis agad rito habang hindi pa siya dumarating.

Magisip ka Rose Emily!

Napabalikwas ako ng bangon at naghanap ng paraan. Linibot ko ang buong bahay.

Wala!

Lahat sarado. Hindi ko rin mahanap yung martilyong ginamit niya kanina, wala rin akung nakitang kutsilyo o kahit anung matulis na bagay na pwedeng magamit ko.

Ilang oras pa akung nagisip at naghanap ng paraan.

Tumingin ako sa wall clock. Magaalas singko na. Sigurado akung pabalik na yun dito.

Nawawalan na ako ng pag-asa!

Napagod ako sa kakaisip at bumalik nalang ako sa kama.

Pabagsak akung humiga at nakipagtitigan sa kesame.

Ilang sandali pa ang lumipas at biglang may naisip akung paraan. "Wait???" Mabilis akung tumakbo sa kusina.

Nagmamadali akung binuksan ang cabinet.

Aha!

May hawak akung gas at posporo. "Pasinsya ka na pogi.." Tumango tango ako. Abot hanggang tainga ang ngiti ko.

"Dont mess with me weirdo!"

Mabilis akung bumalik sa sala at walang pagaalinlangan binuhusan ko ng gas ang pintuan at sinindihan ko ito.

Mabilis na kumapit ang apoy sa pintuan.

Ang balak ko ay sunugin lang ang maliit na parte ng pintuan, yung saktong magkakasya ang katawan ko at wala akung balak na sunugin ang buong bahay niya.

Naghanda nalang ako ng tubig para patayin agad ang apoy.

Sigurado akung hindi siya magdalawang isip na hatiin ako sa dalawa kung masunog ko ang buong bahay niya.

Ilang sandali pa ay nagkaroon na ng butas ang pintuan.

Sakto.

Agad ko itong binuhusan ng tubig at namatay agad ang apoy.

Mabilis akung lumabas mula rito, nahimasmasan ako at gumaan ang pakiramdam ko ng maamoy ko ang malamig at sariwang hangin sa labas.

Ang saya ko! Nasa labas na ako.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon