DHALIA
Poor girl, she may pass out any minute by now.
Noong nasa Amarendos kami, hindi ko pa alam ang papunta sa lugar na ito, matagal ko nang hinahanap ito sa loob ng ilang taon kaya lagi akung pabalik balik sa Amarendos at Messori para magkaroon ng lead papunta sa lugar na ito ngunit lagi akung bigo, ang alam ko lang ay malapit lang ang Islang ito sa mga lugar na nabanggit ko, nagkataon lang na ang lugar pala na hinahanap ko ay doon kami dadalhin ng matandang rapist na iyon. Kung alam ko lang na itong Isla pala ang lungga ng mga sindikatong ito, hindi ko na hinayaang mapadpad rito ang mga babae at ako nalang ang mag isang papasok rito.
Agad kung sinundan si Rose ng habulin siya ng matanda pero mabilis silang nawala sa ulan at dilim, hindi ko na alam saang direksyon sila nagawi at hindi ko na mahanap ang daan, kaya naman ngayon nakokonsensiya at nagagalit ako sa sarili ko dahil sa nagawa kung pagpapabaya sa kanila sa Islang ito, kailangan kung iligtas at bumawi sa kanila, hanggang ngayon hindi ko mahagilap si Rose.
My blood boils when i saw annoying grin from Mr. Siao wrinkled face from the scope of the rifle. My Adrenaline strikes, Gustong gusto ko nang kitilin ang buhay ng hayop na yan, kailangan ko lang ng mas maayos na tyempo, siguradihing ligtas si Daisy.
Malawak ang gusaling ito, nasa isang silid sila kung saan kita ko sila mula rito, tanging mga metal pole lang ang nakaharang sa pagitan namin kaya naman malayang papasok ang balang ginawa ko para lang sa hayop na yan.
I took a deep breath and steady my position.
I was about to pull the trigger when suddenly, a familiar hand covered my mouth.
"Not on my guard, My love.." Kumulo ang dugo ko hindi lang sa pagpigil niya sa akin kundi dahil sa presinsya niya at sa sinabi niya. Half of my life was full of hatred and pain, because of them, because of him. Ang grupo nila, na matagal ko nang sinusubaybayan.
Mabilis akung tumayo at dinukot ang 45 caliber sa likuran ko at itinutok iyon sa kaniya sa mismong ulo niya, nakaupo siya ng lumapit siya sa akin kanina, kaya ngayon ay dahan dahan siyang tumayo at nagkatitigan kami ng humarap siya sa akin, Naingat ko ang tingin ko dahil napakatangkad niyang tao, hanggang dibdib lang niya ako. Inilapit ko ang muzzle ng baril sa mismong dibdib niya at binantaan siya, Im wearing fitted black jeans, black boots and a leather jacket. "Umalis ka sa harapan ko, baka ikaw ang unahin ko." Mahina pero galit kung sabi. "Stay away from me---" May diin na sabi ko. "Or I'll shoot you right here, right now.." Nakasuot ito ng black uniform na may naka tatak na Agila sa likuran at naka military boots, Complete gear, at may dala dala rin itong de kalibreng armas. AR-15 Assault Rifle at may military knife sa kaniyang hita at nakasuot ng gun vest packed with magazines.
Walang araw sa buhay ko na hindi ko naisip na patayin ang lalaking kaharap ko ngayon, iparamdam sa kaniya ang hirap na dinanas ko sa pagkawala ng mga magulang ko ng dahil sa kaniya, nang dahil sa kanila.
Ngunit ang kinakagalit ko ay hindi ko iyon magawa dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang katotohanan na ang lalaking tinuring kung tagapagtanggol ko, na tinuring kung superhero ko simula noong bata pa ako ay siya palang kumitil ng buhay ng mga magulang ko. Hindi ko iyon matanggap at hindi ko iyon kayang tanggapin hanggang ngayon. Masakit malaman at tanggapin.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko siya magawang patayin kahit ilang beses akung nagkaroon ng pagkakataon.
Siya ang nagprotekta sa akin, siya ang nagalaga sa akin, siya ang sumuporta sa akin sa lahat ng bagay, siya ang nagturo sa akin kung paano maging matatag at matapang, pero huli na nang malaman ko na siya rin pala ang nagdulot ng kalungkutan sa akin na dadalhin ko buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...