ROSE
"Seryoso ka?" Gulat na tanong ko sa kaniya. Nagulat talaga ako sa sagot niya, hindi kasi sa kaniya halata na bakla pala siya. Sabagay uso naman ngayon ang maskuladong bading.
Kaya pala walang malisya na ganun nalang niya ako palitan ng damit.
I really admired gays naman. Nakakatuwa at masaya kasi silang kasama, pero bakit ang isang ito hindi nakakatuwa at ang boring pang kasama.
Tumikhim ako.
"Inom ka muna ng tubig." Iniabot niya sa akin ang isang basong tubig. Nagmadali akung inumin yun.
"Labas muna ako, tapusin mo na yang kinakain mo." Mahinang sabi nito. Tumayo siya at naglakad palabas ng kweba.
"Sige 'sis'...hehehe." Nanunuksong sagot ko. Diniinan ko pa ang huling salita.
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Sis?" Kunot noong tanong niya. Napailing iling nalang ito.
"Mmmm..." Nameke ako ng ngiti. "Ah--ano pala pangalan mo?"
Tinitigan nalang niya ako at hindi na siya sumagot. Tumalikod siya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad palabas.
'Saan naman kayo pupunta yun'
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nakakatakot pero nakakamangha naman ang lugar na ito, may mga gamit pa talaga siya rito. Madali para sa kaniya ang mabuhay pag nagkataon na may mangyari ngang Zombie Apocalypse. hehehe.
Wag naman sana. Natakot ako bigla.
Sakto lang sa laki ang kwebang ito. Madilim at hindi gaanong malamig sa loob. Nakakamangha ang itsura, Makintab at makinis ang pader na bato. At ang linis din. Mukhang hindi niya ito pinapabayaan. May banig na nakapatong sa kama na gawa sa kawayan pero mababa lang, sa gilid naman ay may may isang cabinet, sa harapan naman ay may maliit na mesa. Mayroon din siyang mga gamit sa kusina.
Saan na kaya yun--- ang tagal niya ah! Nakipag date pa siguro sa boyfriend niya. Hehehe.
Kailangan kung makipagkaibigan sa kaniya kunwari para matulungan naman niya akung hanapin ang mga kaibigan ko at makaalis na kami sa weird na lugar na ito.
Pagkatapos kung iligpit ang kinainan namin ay mabilis akung lumabas para hanapin siya.
Nakakatakot kasing mag-isa rito. Baka bigla na naman akung multohin ng kaluluha ng matandang rapist na yun. Hindi pa nawawala sa isip ko ang patay at nakakadiring itsura niya.
Grrr!
Paglabas ko ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin at madilim na paligid. Agad akung napayakap sa sarili ko.
Pangalawang gabi na namin sa Islang ito at dapat sana ay bukas na ang uwi namin ng Maynila pero heto ako nasa weird na Islang ito.
Ang lamig...
Saan na ba yun?
Naglakad pa ako at...
Ayun! Nahanap rin kita. Nakaupo siya sa buhangin at nakatingin sa malayo. Mga thousand miles.
Lumapit ako sa kaniya ngunit mukhang hindi niya naramdaman ang presinsya ko dahil tulala itong pinagmamasdan ang mumunting alon. Nakapatong ang mga braso niya sa tuhod niya. Binabato ang dagat.
Anong trip nito.
Tumikhim ako.. "Aheemmm...Napakalaking tao naman rito noh." Pinulot ko ang seashell na sa buhangin.
Ang cute.
"Sis....." Tawag ko sa kaniya ng hindi parin niya ako nililingon. Hindi ako masyadong lumapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...