DHALIA
Sana ligtas kaming makalabas ng Islang ito. Delikado ang gagawin namin dahil wala nang balikan, pag nagkataon na hindi pa kami nakakalabas at maubusan kami ng hininga yun na rin ang katapusan namin dahil wala na itong balikan, ang inaalala ko lang ay si Lola at Daisy.
"Sundan niyo lang ako.." Si Hawk. Nagsimula na siyang lumusong sa tubig, pagkatapos ay si Lola na dahan dahan rin lumulusong sa tubig. "Pogi wait.." Si Lola. "Grrr ang lamig.." Sabi niya ng makalusong na ito sa tubig.
"Ingat ho kayo.." Si Hawk.
[Water splashing]
"Ano ba!" Sambit ni Daisy. "Wag mo nga akung hawakan!" Nakahawak ng mahigpit si Stellar sa braso ni Daisy. "Kaya ko ang sarili bwesit!" Hinampas pa niya sa braso si Stellar.
"Ako nang bahala sa kaniya." Ani Stellar, Tumingin siya sa akin, Seryoso ang kaniyang tinig. Bumuntong hininga nalang ako pagkatapos ay inilipat ko ang tingin ko kay Daisy. "Mag ingat ka.." Sabi ko kay Daisy, tumango lang ito.
Isusunod ko sana si Daisy pero hindi pumayag si Stellar kaya ako nalang ang sumunod kay Lola. Nang lahat na kami makalusong sa tubig ay sabay sabay na kaming huminga ng malalim at pagkatapos ay pumailalim na sa tubig palangoy sa baba, sobrang lamig ng tubig at nakakabulag ang dilim sa ilalim niyon, wala akung makita ni katiting na liwanag. Tahimik at malalim ang tubig. Pakiramdam lang ang ginagamit namin para sundan ang isat-isa. Kahit madilim sa ilalalim ay ramdam ko parin kung saan direksyon patungo si Hawk at si Lola at ramdam ko ring nakasunod sa akin si Stellar at Daisy.
Ilang segundo lang ay naramdaman kung isa isa kaming inalalayaan ni Hawk papasok sa isang daanan. Ito na yata yung lagusan ng tubig palabas ng kwebang ito. Kailangan naming magmadali dahil ilang segundo lang ay mauubusan na kami ng hininga. Naramdaman kung mahigpit ang hawak sa akin ni Daisy at ramdam kung mukhang hindi na niya kaya. Kinakabahan ako sa lagay namin.
Naramdaman ko nalang na palakas ng palakas ang agos ng tubig sa parteng ito. Sadyang itinutulak kami ng agos ng tubig palabas ng lagusan.
Shit!
*****
DAISY
Nararamdaman kung nauubusan na ako ng hininga. Hindi biro ang ginagawa namin, dapat gagawin lang ang bagay na ito kung may dala kang oxygen.
Nasa likuran ko lang ang demonyong lalaki at naiinis ako sa ginagawa niyang pagalalay sa akin sa madilim at malamig na lawang ito. Naiinis ako sa ginagawa niya at bakit kasi nakasama pa siya, buong akala ko makakalayo na ako sa kaniya.
Ang dilim, wala akung makita, ilang segundo lang ay talagang malalagutan na ako ng hininga, mukhang malayo pa ang lalanguyin namin. Hayst! Tinapik tapik ko ang braso ni Dhalia para maramdaman niyang hindi ko na kaya pero wala rin naman siyang magagagawa, ang awkward naman kung sa kaniya ako huhugot ng hininga, Lalo na si Lola hindi rin pwede baka wala na rin iyong natirang hininga, at mas lalong hindi pwede yung Hawk na iyon.
Ay bahala na, mamatay na siguro ako sa madilim at malamig na tubig na ito.
Gusto kung bumalik sa taas para makahinga ngunit malayo na kami at masasayang rin ang pagod ng mga kasama ko pag bumalik ako dahil siguradong susundan din nila ako.
Ayst! No choice, hindi ko namamalayan ang sarili ko at hinahanap na pala ng mga kamay ko ang bisig ng demonyong lalaki. Mabilis ko iyong nahagip dahil nasa likuran ko lang siya at mukhang pinapakiramdaman ang bawat kilos ko, he was expecting this to happen, Ipinatong ko ang braso ko sa balikat niya at hinawakan ko ang likod ng ulo niya, naiilang akung ilapit ang bibig ko sa kaniya dahil baka isipin niyang gusto ko iyon, naramdaman ko nalang na inilapit niya ang bibig niya sa akin, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng bilis ng pintig ng puso, he opened his mouth and pressed them tightly against mine, and then he squeezed my nose, it was not actually kissing, seems like he was giving me enough air from his mouth to suck, hinigop ko ang hangin sa bibig niya at ibinalik ulit iyon kaya bahagya akung nakahinga. I inhaled and exhaled into his mouth, Tatlong beses ko iyong ginawa. Infairness, effective ang technique niya, buti nalang at nakahinga ako mula roon, agad kung binawi ang bibig ko sa kaniya at lumangoy ulit, inalalayaan niya ako sa isang daan papunta sa isang lagusan.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...