Chapter 21

1.9K 136 67
                                    

ROSE

Tanaw ko mula rito ang pitong kalalakihan, nagulat ako ng mapagtanto ko na may hawak silang mga armas. kinabahan ako. Inalis ko ang tingin ko sa kanila at huminga ng malalim. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Natatakot akung baka bigla nalang nila akung makita mula rito.

Gosh! Anong lugar ba itong napasukan namin. 😢

"You ruined the plan Mr. Herrera at ngayon ay may lakas ka pa ng loob na magpakita sa akin." Boses ng matandang lalaki. Mga nasa early 50s ang edad niya. Rinig ko mula rito ang usapan nila.

Tsismusa ako kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko na sumilip sa kanila.

Naguusap sila sa dalampasigan. May dalawang speedboat na nakapwesto sa gilid ng dagat. Mukhang kararating lang ng mga ito sakay ng mga speedboat na iyon. Yung nagsalita kanina ay may kasamang tatlong bodyguards na nakasuot ng itim na coat, parang mga hitmen ang mga dating. Yung tinawag naman niya na Mr. Herrera ay may kasama ring dalawang bodyguards. Sa tantiya ko ay siguro nasa late 40s ang edad ni Mr. Herrera. Mukhang nahahati sila sa dalawang grupo.

Gusto kung umalis sa kinakatayuan ko pero parang hindi ako makagalaw dahil sa takot.

"Malayo pa ang election Boss, marami pang ibang paraan...makakabawi rin ako sayo...and besides pwede naman nating idaan sa ibang paraan." Nanginginig ang boses ng isang lalaki. Nagmamakaawa.

Humalakhak ng malakas ang isa. "Sa tingin mo ganun lang kadali linisin ang kalat mo ah---?!" Lumapit siya at hinawakan sa kwelyo si Mr. Herrera. "Our Association has no weakness right?!"

Tumango tango si Mr. Herrera.

"Anong ginagawa natin pag nahanapan natin ng kahinaan ang grupo Mr. Herrera?!" Dagdag na tanong pa niya. "Answer!" Sigaw niya.

Hindi sumagot si Mr. Herrera. Mukhang nanginginig siya sa takot.

"What do you think hmmm---what will be the answer Mr. Herrera!?"

"Boss baka naman mapagusapan natin to, I already executed the order Boss. Sisiguraduhin ko sayong lilinisin ko ang naging problema." Nagmamakaawang sambit ni Mr. Herrera.

Kinakabahan ako.

"The damaged has been done Mr. Herrera. I will assigned others to assume the task." Seryoso siya. "Ito rin ang utos ng nasa taas."

Nasa taas? Si God?

So ibig sabihin mayroon pang boss itong kumag na ito.

Nagulat ako ng biglang lumuhod si Mr. Herrera. "Boss sisiguraduhin ko sayong maayos rin ang lahat, bigyan mo ako ng pagkakataon."

Biglang bumulong ang isang bodyguard sa Boss niya. Bahagyang humarap ang Boss nila sa direksyon ko at pinakinggan ang bulong ng kasama niya.

Parang pamilyar sa akin ang mukha ng Boss nila. Teka saan ko ba siya nakita. Pamilyar talaga ang mukha niya, hindi ako nagkakamali nakita ko na ang mukhang yun.

Napaisip ako. Nakakainis naman saan ko ba siya nakita.

"Our association has no weakness Mr. Herrera, and then if we find one, we will carve it out as soon as possible. Mmmm---do you understand?!" Bahagya siyang yumuko at iniangat ang mukha ng nakaluhod na si Mr. Herrera. Ngumisi siya rito.

"Iligpit na ang mga yan!" Sigaw niya sa mga bodyguards niya.

Umaksyong bubunot ng baril ang mga bodyguards ni Mr. Herrera pero naunahan sila ng mga kasama ng Boss. Mabilis na nabaril ng mga bodyguards ng isa ang dalawang bodyguards ni Mr. Herrera sa isang iglap lang. Agad na natumba ang dalawang lalaki. Humagulhol sa iyak si Mr. Herrera dahil sa takot. Hinawakan niya ang sapatos ng tinatawag niyang boss na para bang sa kaniya naka depende ang buhay niya. Animoy parang hahalikan na niya sa sobrang pagmamakaawa niya ang mga paa ng Boss niya. Pero pinagsisipa nalamang niya ito.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon