Chapter 23

1.8K 143 96
                                    

ROSE

Kasabay ng paghaplos niya sa braso ko pababa sa kamay ko ay parang hinahaplos rin niya ang puso ko.
Hindi man niya ako laging kinakausap ngunit ang kilos at galaw niya ang nagsasabing pinoprotektahan niya ako at inaalagan ako habang nasa sa loob pa ako ng Islang ito.

Gumaan ang pakiramdam ko at biglang nawala ang pangangati ng balat kung linamutak ng lamok kanina. Nakakarelax ang katas ng dahon na iyon. Para lang pinahiran ng Anti Mosquito Lotion.

Pagkatapos niyang pahiran ang magkabilang braso ko ay dahan dahan niya iyong binitawan. Naiilang akung tumingin sa kaniya.

"Hindi na ba makati?" Pabulong niyang tanong. Nakatitig siya sa akin at ganun din ako. Ramdam ko ang mainit at mabangong hininga niya na tumatama sa pisngi ko.

Yung nakakalokong mga titig niyang yun ay parang hinuhubaran niya ang buong pagkatao ko. Tititigan niya ako mula sa mga mata ko pababa sa labi ko. Ano ba Raven...

'Ibang kati ang nararamdaman mo Rose'

Shut up Inner bitch! Sagot ko sa bwesit na Subconscious ko.

Magkapantay lang ang mukha namin dahil nakaluhod siya at nakaupo naman ako sa bato, at magkalapit na magkalapit lang ang mga mukha namin. "Hah Eh hin--hindi na hehe Salamat --salamat ng marami---Si--Sige tuloy mo na yun para makaalis na tayo rito." Nauutal ako.

"Hindi pa tapos.." Mahinang sabi niya.

LUNOK

"Hah! Tama na yun... " Hindi pa man ako nakakaangal eh nahawakan na niya ang kaliwang paa ko at inumpisahan na naman niyang pahiran ng ek ek na dahon na iyon at pagkatapos ay sa kabilang paa ko na naman---mula talampakan hanggang tuhod. Paulit ulit---pabalik balik ang bawat hagod niya. Naiilang ako at hindi ako komportable sa ginagawa niya. Pero hinayaan ko nalang siya dahil alam ko naman na ipagpipilitan lang niya yun.

Naninindig ang mga balahibo ko sa tuwing hahawakan niya ako. Sa tuwing nagkakadikit ang mga balat namin. Oo alam ko walang malisya ang ginagawa niya pero iba pa rin kasi. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw at natutulala nalang akung pinapanood siya sa ginagawa niya.

Ramdam ko rin ang kaba niya dahil sunod sunod ang lunok niya dahil gumagalaw ang maumbok na Adams apple niya.

"Paano ka?!" Tanong ko sa kaniya. Pagpuputol ko sa katahimikan at tensyon sa pagitan namin.

"Sanay na ako---wag mo na akung alalahanin." Sagot niya.

Gusto ko rin gawin yung ginawa niya sa akin para makabawi naman pero nahihiya ako. Nakakapaso sigurong hawakan ang ganiyang klaseng katawan.

Hmmm Tsatsansing ka lang eh! Gawin mo na pagkakataon mo na yan. haha!

Gago talaga tong Subconscious ko. Lagi nalang epal!

Nang matapos niyang pahiran ang buong magkabilang braso ko at paa ko ay tumingin mo na siya sa mata ko at tumayo na at naglakad na pabalik sa ginagawa niya. Pinagmasdan ko nalang siya papalayo.

Grabe pala yung tatoo niya halos sakop na niya ang buong likod niya at ang kaliwang braso niya.

Rose ang tatoo ba niya o ang malapad at matipunong sexy back niya ang ini ispotan mo. Hahaha.

Pareho...Ano beh!

Sa bawat galaw niya ay nag feflexed ang mga muscle sa shoulder at arms niya. Ano ba to certified mamboboso na ba ako Lord!? I need holy water.

Napailing iling nalang ako. Iniba ko ang takbo ng utak ko.

Ahem.

Nakapatong ang mga siko ko sa mga tuhod ko at nakapangalumbaba. Pinapanood ko lang siya habang busy siya sa ginagawa niya. Hindi na rin ako kinakagat ng lamok. Wow effective.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon