Chapter 4

3K 114 50
                                    

ROSE

Lahat ng pagmamaka-awa ay ginawa na namin ngunit halang ang kaluluwa ng matanda.

Karma siguro sa akin ito ng mga magulang ko dahil umalis ako ng walang paalam.

Mamatay akung galit ang pamilya ko sa akin, Oh lord! Help us!

Ang sakit na ng buong katawan ko at basang basa na rin kami sa ulan.

Mukhang bagong hithit pa ng droga ang matandang hayop na ito dahil dilated at ang pula ng mata.

Nandidiri ako at natatakot sa tuwing pinagmamasdan niya ako. Parang anytime ay sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.

Nakakapangilabot ang mukha nito na parang si Pennywise.

"Isa..dalawa..tatlo..apat..lima.." nagumpisa nang magbilang ang matanda.

Agad akung tumakbo sa direksyon na binigay niya sa akin at ganun din ang mga kasama ko.

I run as fast as i can, tinahak ko ang masukal na parte ng isla, madulas ang lupa dahil sa walang humpay na buhos ng ulan at ang madilim na palagid at matatayog na puno ang siya ring nagpapa-bagal sa akin.

Mas malakas sa pandinig ko ang kabog ng dibdib ko kaysa kulog ng kidlat. Sa bawat patak ng ulan ay siya rin pagpatak ng luha ko.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot at kailangan kung maging matapang at lumaban.

Hinugot ko ang hindi mawalay sa akin na pocket knife sa bulsa ko na bigay sa akin ni Lolo para gamitin pang depensa kung sakali mang maabutan niya ako.

Naramdaman ko na may humahabol sa akin, Shit! Ako ang unang target ng hayop na to!

Kanina lang ay hinabol kami ng mababangis na hayop at ngayon naman ay isang manyakis na hayop na mukhang kuto!

Mabilis tumakbo ang matanda, mukhang sanay sa gubat, palapit ng palapit ang mga hakbang niya, at sinasabayan pa niya ng nakakadiri at nakakatakot na halakhak, para akung nasa wrong turn movie.

Katapusan ko na yata!

Binilisan ko pa ang pagtakbo ko ngunit nadapa ako ng biglang may naapakan ako na malaking bato.

Fuck!

Napamura nalang ako, feeling ko ay tinusok ng 1,000 syringe na sunod sunod ang talampakan ko sa sobrang sakit. Hindi ko na ininda ang sakit at pinilit kung tumayo ulit at nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Hinihingal na ako at bumabagal narin ako. Malayo na ang narating ko at wala parin akung nakikitang bahay o pwedeng pagtaguan.

Puro matatayog na puno at halaman lang ang nakikita ang nasa paligid ko.

Anong klaseng Isla ba to?! Ghost Island?!

Hindi parin tumitigil ang matanda sa paghabol sa akin at palapit na ito ng palapit sa akin.

Hinihingal na ako.

God bakit?!

Biglang may bumato sa ulo ko at nagsanhi ng pagkasira ng equilibrium shit ko at bigla akung bumagsak sa dirty, cold and wet ground.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon