Chapter 48

1.4K 64 27
                                    

JASMINE

Hindi mawala sa isip ko yung huling sinabi sa akin ni Dad kanina. Paano kung malaman niya ang lahat? Ang lahat ng nangyari sa Isla? Ang problemang kinakaharap namin ng mga kaibigan ko, ang nangyari sa amin ni Vulture at ang pagsisinungaling ko.

Hindi ko man kasintahan si Vulture pero may nangyari sa amin. And i f*cking regret that.

Hindi ko alam ang gagawin nila pag nalaman niyang niloko lang pala namin siya.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim at pabagsak kung isinandal ang ulo ko. "Shit!" Unconsciously, Nasambit ko nalang.

Tumikhim si Dad.

Napalakas ko boses ko.

I was sitting on the back seat with my mom beside me. Sa front seat naman ay si Dad at ang kaniyang personal driver na si Mr. Javier, sa tantiya ko ay nasa edad early 40's na si Mr. Javier, katamtaman lang ang pangangatawan at kayumanggi ang balat, nasa 5'11 ang height, typical pinoy ang itsura nito, naka suot ito ng black suit and tie, ganun kasi ang gusto ni Dad na suot ng mga nagiging Personal Driver and at the same time ay Personal Bodyguard niya para raw pormal tingnan dahil sinasama niya ang mga ito palagi sa mga common or public meetings niya, malaki talaga ang tiwala ni Dad kay Mr. Javier Alcala.

Nakasakay kami sa isang Black SUV at kakarating lang namin galing sa lamay ni Kuya Marvin. Buong biyahe ay walang nagsasalita only soft melody music lang ang pumupuno sa katahimikan. As usual.

Nalungkot ako at sobrang naiyak kanina ng makita ko kung gaano nasasaktan at nagluluksa ang buong pamilya ni Kuya Marvin dahil sa pagkamatay niya. Dad promised help to Kuya Marvin's wife financial and legal support.

Sa ngayon wala pa akung magawa dahil sa banta nila sa akin. I will make sure na makakamit din niya ang hustisya pag nalaman ko kung ano ba talaga ang nangyayari at sino ang mga tao sa likod ng organization na ito.

Napalingon sa akin si Mom ng marinig niya ang aking malalim na buntong hininga. "Are you okay iha?" Nagaalalang tanong niya, hinawakan niya ang kamay ko. "Dont worry about everything iha ako na ang bahala sa lahat, I will make your wedding day the most special day of your life.. okay? Just leave it to me darling." Malambing itong ngumiti while caressing my hands.

Lumingon din ako sa kaniya. Malungkot lang akung ngumiti sa kaniya.

As if yan naman talaga ang problema ko. Wala akung paki sa wedding preparation na yan. Marami pa akung kailangan asikasuhin na problema.

Hindi ako kinakausap ni Dad hanggang ngayon.

[Car Honking]

Nagpa busina si Mr. Javier ng tumapat na ang kotse sa gate ng bahay. Hindi basta basta nakikita ang loob ng compound dahil mataas ang Color Black na gate at high wall ang compound ng bahay.

 Hindi basta basta nakikita ang loob ng compound dahil mataas ang Color Black na gate at high wall ang compound ng bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon