RAVEN
Buong buhay ko ay ngayon lang ako nagluto ng ganito karaming pagkain. Madalas ay isang ulam lang ang niluluto ko sa tuwing kakain ako pero ngayon ay apat na ulam ang niluto ko at may kasama pang gulay at prutas para sa estrangherong mahimbing na natutulog ngayon sa kama ko.
Bakit ko ba siya pinaghahandaan ng ganito karaming pagkain? Pwede namang kanin lang at asin ang ipakain ko sa kaniya o di kaya tubig lang.
O di kaya bala nalang para mas madali.
Maaga rin akung gumising para labhan yung maduming damit niya.
Napailing iling na lang ako.
Effort yan dude!
Kasalukuyan akung nagpiprito ng isda ng maramdaman kung bumukas ang pintuan ng kwarto. Nagising na siya. Naririnig kung dahan dahan itong naglakad papunta sa sala, pagkatapos nitong obserbahan ng ilang minuto ang paligid ay naramdaman kung naglakad ito papunta sa kusina.
Papunta sa akin.
Mukhang hinahanap niya kung saan nanggagaling ang amoy ng pagkain.
Tumigil ang mga mga hakbang nito ng makita niya ako, naramdaman ko ang pagkagulat niya dahil biglang napa atras ang mga hakbang niya, ngunit dahan dahan rin itong sumilip sa pintuan ng kusina na bahagyang naka-awang.
Palihim akung napangiti.
Kahit hindi ko nakikita ang bawat galaw niya ay nararamdaman ko ang bawat kilos nito.
Mga ilang minuto itong napako sa kinatatayuan niya, tahimik itong pinagmamasdan ang bawat galaw ko at mukhang pinagaaralan ang buong katawan ko.
Ispiya nga!
Binasag ko ang katahimikan ng magsalita ako. "Walong minuto at anim na segundo ka nang nakatayo diyan, may problema ba sa likod ko?" humarap ako sa kaniya.
Bigla itong kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto.
Malala pala talaga ang mga babae.
Mabilis ko siyang sinundan sa kwarto. "Labas." Seryosong sabi ko.
Hindi ito lumabas agad kaya pumasok na lang ako. Nabigla ito at nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako. Mukhang pinagaaralan niya ang bawat detalye ng mukha ko.
Bahagya pang nakaawang ang mapupulang nitong mga labi.
Kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata ko sa reaksyon niya.
Pinagmasdan ko rin ang mukha niya.
Maputla parin ito at labis na namamaga ang kaniyang mapupungay na mga mata.
Ilang sandali kaming nagkatitigan.
Ano bang nangyayari sa kaniya?
A/N: Na Starstruck si Rose sa kagwapuhan mo Raven. 😂
Natauhan ito ng bigla kung hawakan ang kaliwang kamay niya at hinila ko siya pabalik sa kusina.
She blinked her beautiful eyes many times.
I tightly hold her hands and pulled her outside the room.
Kakaiba ang naramdaman ko ng mapasa-akin ang kaniyang kamay at maramdaman ko ang malambot at mainit nitong balat sa palad ko.
Pilit niyang inaagaw ang kamay niya kaya naman mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko rito.
Abot hanggang dibdib ko ang tangkad niya. I looked down to see her face pero nakatingin na pala siya sa akin.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...