Chapter 19

1.9K 110 46
                                    

DHALIA

"Tito bakit po?" Nanginginig ang boses ko.

Mabilis niya akung sinugod at sinampal sa pisngi. Manhid na ako sa pananakit niya kaya naman hindi ko na ito iniinda. Sadista si Tito Mike kaya alam kung mas sasaktan pa niya ako pag nakita niyang nasasaktan ako at umiiyak.

"Ang tigas talaga ng ulo mo---Anooo--sabi ko sayo labhan mo yung mga damit ng mga anak ko kaninang umaga pero bakit andon parin sa banyo." Sinabunutan niya ang buhok ko.

"May pasok po kasi ako kaninang umaga Tito..."

"Aba---marunong ka nang magdahilan ah!" Hinila niya ako sa labas papunta sa Swimming pool.

"Tito lalabhan ko po ngayon---" Naglalakad din ako habang hawak hawak niya ang buhok ko.

"Humanda ka sa akin---Ikaw ngayon ang lalabhan ko---!" Galit na galit ang boses at mukha niya.

"Monicaaaaa---Iha." Tinawag niya ang anak niya.

"Yes Dad!" Si Monica. Nakaupo sa bench na nasa garden, nakikinig ng music.

"Oh my---ano naman ba ang ginawa ng tanga na yan! Hahaha." Humagalpak ng tawa si Monica.

"Kumuha ka ng detergent powder lalabhan ko ang utak ng palamunin na ito." Utos ni Tito.

Humalakhak si Monica. "Hey Sis Shanica---come over here---" Tinawag niya si Shanica na tumatakbo palapit sa amin. "let's watch daddy paano niya labhan si Tanga hahaha."

"Gosh what a mess!" She smirked. "I love this scene!" Tumawa siya ng malakas. "You know what sis we need to grab some popcorn while watching her suffering Hahaha." Ganito ang magkakapatid na ito. Laging nag eenjoy pag nakikita akung sinasaktan ng kanilang Daddy. Hindi ako umiiyak at pag sinasaktan nila ako dahil ayaw kung mas matuwa pa sila.

"Where Danica and Mommy?!" Si Shanica. Nag dial siya sa kaniyang phone.

Tumakbo si Monica para kumuha ng detergent powder.

Ring.

Loudspeaker.

"Hey girl nasa room ka? Baba ka hahaha---may magandang eksena dito---" Si Shanica. Nakasuot ng napaka iksing short at crop top shirt.

"Ano--bababa lang ako kung sasaktan ni Daddy si Tanga Hahaha." si Danica.

Pinakapanganay si Danica, 16 years, sumunod naman si Monica 14 at ka edad ko naman si Shanica. Wala na sigurong lalamang sa kamalditahan ng mag kakapatid na ito. Kinokonsente kasi sila ng mga magulang nila. Buti kung magaganda e kasing pangit ng ugali nila ang mga pagmumukha nila. Nakakamatay ang haba ng mga baba nila. Para silang mga witch! Nagmana sila sa Nanay nila na hugis talong ang mukha.

Kung hindi lang talaga nila ako pinapaaral, papatulan ko sila, lalaban ako hanggang kamatayan.

"Hahaha Exactly---perfect guess! Si Tanga sasabunin ni Daddy sa pool---Hahaha lalabhan niya Hahaha Lol ang peg." Tawang tawa siya.

"Bat ang tagal ni Monica! Gigil na gigil na ako!" Si Tito. Hawak hawak pa rin niya ang buhok ko at sobrang sakit talaga parang matatangal na ang panit sa ulo ko.

"Hahaha sige andiyan ako! Mommy-----" Narinig kung tinawag pa niya ang Mommy niyang mukhang mangkukulam.

Hindi nagtagal ay bumalik si Monica kasabay ang Mommy niya at si Danica. Grabe ang amusement at happiness sa mga mukha nila. Tawa sila ng tawa. Nag crossed arms silang lahat habang pinapanood akung saktan ng Daddy nila.

"Oh Sha---anak saan na yung popcorn mo---para ma feel niyo ang panonood niyo" Si Tito.

"Oh my---wait---Dad make sure wala akung ma miss na eksena--il be back in a sec!" Tumakbo siya sa kitchen at pagkabalik niya ay may dala siyang popcorn at chips. Binigyan niya ang mga kapatid niya at ang Mommy niya.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon