Chapter 28

1.8K 125 71
                                    

ROSE

'Errrr bakit ko ba yun ginawa nakakainis ang landi ko...'

Rose Rose Rose... Kumalma ka girl dalawang araw mo pa lang siyang nakakasama ay napasunggab ka na ng halik at sa isang TOTAL STRANGER pa! Huhuhu unang halik ko pa naman yun pero bakit parang napaka expert ko na hayst! kulang nalang nguyain ko buong mukha niya! Ang Kasalanan ko eh ako pang unang humalik sa kaniya! Nagmukha tuloy akung baklang matrona!

Tsk! Landi Landi Landi!

Hindi ko namamalayan ay napapasapak nalang ako ng mahina sa ulo ko dahil sa inis ko sa sarili ko.

Hindi ako makatulog sa kakaisip dahil sa nangyari sa amin kanina. Nakaka awkward! Hindi ako makakilos ng maayos dahil magkadikit ang mga likuran namin. Nakakakagat nalang ako sa mga kuko ko.

My heart was beating so fast and my world turn up side down when we were hugging and kissing each other kanina.

I've never been in love before but i knew and i felt what just happened between us kanina was very new to him, he seems so innocent when it comes to romancing, ramdam ko na wala siyang idea kung ano ang nangyayari at kung ano ang ginagawa niya. Maybe It was his first and so am i. Err!

Saan ba nangaling ang taong to?! Baka nagpapaka inosente lang para seryosohin ko chaar! Assuming!

Tsk!

Palihim akung napahawak sa ibabang labi ko. 'His kisses was very gentle and delicate, Im still tasting the sweetness of his lips. My eyes closed right now but i can still figure out the way he looked at me in the eye while kissing me, those blue eyes full of passion and fire. He's burning hot kanina! Nakakapaso! He was like a baby tasting sweet candy for the first time. His warm touch was all over my body now.

Ano ba sis!

"Hmm" Bumalik ako sa earth ng marinig kung tumikhim siya. Naisuksok ko nalang ang ulo ko sa ilalim ng unan.

"Bakit mo yun ginawa sa akin?" He said huskily, seryoso talaga ang tono ng pananalita niya. Ganun parin ang position niya ng magsalita siya.

What? Ano daw!? Parang ako pa talaga itong namolistiya sa kaniya ah! Nawalan din ako gago!

"Ano???!" Napabalikwas ako. Hindi siya kumibo, nanatili siyang nakahiga at nakatalikod sa akin. "Excuse me!? Anung ginawa ko sayo!?" Nanlaki ang mata ko sa inis, wala rin kwenta dahil hindi naman niya makita ang reaction sa face ko.

Hindi siya sumagot o kumibo man lang.

"Hindi naman halata na gusto mo noh!" Sarkastik na sambit ko sa kaniya.

"Pasinsya na ha nakalimutan ko nga pala na bading ka nga pala at may boyfriend ka na pala, kaya ayan tuloy na nakokonsensya ka.." Pangiinis ko sa kaniya. "Cheee!" I rolled my eyes at bumalik ako sa pagkakahiga. "Umusog ka nga!" Marahan ko siyang tinulak palayo sa akin.

Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at nagtama ang paningin namin, Lumapit siya sa akin at dahan dahan niyang hinawakan ang ulo ko at idinikit niya sa dibdib niya.

"Naririnig mo ba yan?" Tanong niya. Kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso niya ay ganun din ang nararamdaman ko. "Ngayon ko lang naramdaman to, hindi ko alam anung klaseng sakit to.." Sabi niya. May pagaalala sa boses niya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapangiti ako sa sinabi niya. Hindi talaga biro ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Malala na ang sakit mo sa puso.." Biro ko sa kaniya. Umupo ako.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon