RAVEN
Buhat buhat ko ang estrangherong babae habang pabalik na kami sa tahanan ko. Madilim at masukal ang dinadaanan ko kaya naman ganun nalang ako kaingat sa bawat hakbang ko lalo nat may kasama ako. Ang Islang ito ay pinamumugaran ng mababangis na hayop at anumang oras ay pwedeng may bumulaga sa amin.
Parte ng pageensayo ng mga Agila ang makipaglaban o magpatumba ng mababangis na mga hayop sa loob ng Islang ito kaya naman hindi mahirap para sa akin ang nangyari kanina, ang inaalala ko lang ay ang kaligtasan niya.
Tulog parin siya ng dumating na kami sa kweba.
Dahan dahan ko siyang ibinaba sa banig at inalalayan ko siyang maayos na mahiga. "Mmmmmm" Bahagya pa siyang umungol ng maramdaman niya ang mga kilos ko. Kinuha ko ang kumot na nasa tabi ng unan niya at dahan dahan kung ibinalot iyon sa katawan niya.
Umupo ako sa gilid niya at malayang pinagmasdan ang kaniyang magandang mukha. Inayos ko ang mga hibla ng buhok na nakakalat sa mukha niya. Mahimbing ang tulog niya dahil ramdam ko ang pagtaas baba ng dibdib niya. Bahagya pang naka awang ang mapupula nitong mga labi.
'Ito ang ikalawang gabi na magkasama tayo, na kasama kita..'
Sinalat ko ang noo at ang leeg niya. Ramdam kung nilalamig siya, at lalong nagpapahina rin sa kaniya ang pagod na nararamdaman niya. Kaya naman ganito nalang kalamig at kahina ang katawan niya.
Kinulong ko sa mga palad ko ang kaniyang mga kamay para naman kahit papaano ay maibsan ang lamig na kaniyang nararamdaman. Napakakinis at napakalambot ng mga kamay niya.
Mukha yatang magkakalagnat siya.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay wala parin akung sawang pagmasdan siya habang mahimbing na natutulog.
Ano bang nangyayari sa akin, hindi ko aakalain na ganito kalala ang epekto ng babae sa akin.
Raven umayos ka, bawal ang babae sa buhay mo...
Hayyy.
Napapahinga nalang ako ng malalim.
Alam kung hanggang dito nalang ito at kailangan ko nang maibalik ka kung saan kaman nanggaling habang maaga pa. Habang wala pang may alam na nandito ka.
Sa sobrang kakatingin ko sa mukha niya ay hindi ko namalayan ang sarili ko na dahan dahan na ko na palang napapadulas ang likod ng kamay ko sa sa magkabilang pisngi niya---tracing every line of her nose down to her----Lips.
Napalunok ako.
Nanginginig ang kamay kung hinawakan ang ibabang labi niya gamit ang daliri ko.
Bakit ganito nalang katindi ang nararamdaman. Dahil ba ngayon lang ako may nakapiling na babae..
Sinusundan ng daliri ko ang bawat linya ng mga labi niya. Napakalambot ng mga yon.
"Mmmmmm..." Impit na ungol niya.
Parang napaso ang kamay ko at mabilis na inalis ang daliri ko ng bahagya siyang kumilos, at nagpakawala ng nakakalokong tunog sa pandinig ko.
'Ano bang mayroon sa mga labi mo at naaakit akung hawakan at titigan..' Napapangiti nalang ako.
Para bang nagsasabing angkinin ko ang mga yon, Damhin...
Wala akung alam sa mga bagay na ito at ang lahat ng ito ay bago sa akin at yun ang kinaiinisan ko---
"Kailangan na kitang maibalik sa Amarendos..." Mahinang sambit ko sa kaniya. Habang hinahaplos ko ang malambot niyang pisngi. "Yun ang dapat kung gawin at hindi ang panatilihin ka pa dito sa Guilla..tutulungan kitang hanapin ang mga kasama mo.."
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...