VULTURE
Pagdating ko ng bahay ay dumiretso ako sa silid kung saan nakakulong ang babaeng natagpuan ko kagabi sa loob ng Guilla.
Pagbukas ko ng pintuan ay agad siyang nahagip ng mga mata ko. Patagilid siyang nakahiga at yakap yakap ang sarili, suot niya ang mga damit ko na iniwan ko sa kaniya kanina.
Humakbang ako palapit sa kaniya, naramdaman ko ang takot niya ng tuluyan na akung makalapit sa kaniya.
Pa squat akung naupo sa tabi niya, ang likuran niya ang nakaharap sa akin. "Alam kung hindi ka pa tulog.." Bahagya siyang napakislot ng maramdaman niyang hinawakan ko ang balikat niya. "Humarap ka sa akin..." Hindi siya sumunod. Iniiwas niya ang balikat niya ngunit imbis na bitawan ko iyon ay mas madiin ko pa iyong hinawakan. Ramdam ko ang kaniyang takot at galit. "Susundin mo ba ako o magmamatigas ka pa?" Mahina ngunit seryosong sambit ko. Hindi siya kumilos o sumagot kaya naman---
I tightly grabbed both of her wrist and pinched her on the floor, napatihaya siya at naharap sa akin. Napalapit kami sa isat isa, ramdam ko ang kaba niya dahil sa paghinga niya ng malalim, galit na galit siyang nakatitig sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang magkabilang pisngi niya gamit ang isang kamay ko kaya naman bahagyang umawang ang mga labi niya. "Ano bang gusto mong paraan ng pagpatay ko sayo? Mmm---?" Bulong ko sa sa kaniya. "Dahan dahanin kita o mabilisan ang gusto mo?" Bahagya pang napadikit ang labi ko sa tenga niya. Pilit niyang iniiwas ang mukha niya.
Pilit ko siyang pinapaharap sa akin, Galit na galit siyang nakatitig sa akin. "Go to hell Psycho!" Sigaw niya.
Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo babae!
"Kulang ka yata sa aruga kaya ganiyan ang trato mo sa babae, ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo---tinuruan ka nilang maging hayop!" Ngumisi siya at binigyan ako ng nakakainsultong tingin.
Hindi ako agad nakasagot sa mga sinabi niya dahil lumaki akung magisa at totoong hindi ako nakaranas ng sinasabi niyang aruga at ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng sinasabi niyang magulang.
"Bakit hindi ka makasagot? Dahil totoo?--Dahil natamaan ka? Baka siguro puro karahasan ang pinaramdam sayo ng mga magulang mo kaya ka ganiyan ka ka hayop ngayon!"
"Alam mo...sa tingin ko mas masahol ka pa nga sa hayop eh! Bat hindi nalang kaya ang sarili mo ang barilin mo...total wala ka namang kwenta!" Dagdag pa niya. "Salot sa mundo ang mga tulad mo!"
Naginit lalo ang ulo ko sa sinabi niya kaya naman hinugot ko ang baril ko at kinasa yun sa harap niya pagkatapos ay itinutok ko sa sentido niya.
Ngumisi lang siya sa akin.
Ang akala ko ay matatakot siya sa gagawin ko ngunit nabigla ako ng marahan siyang pumikit at mukhang hinihintay ang susunod na gagawin ko.
"Kanina ko pa yan hinihintay kaya gawin mo na.." Mahina ngunit seryosong sambit niya. "Hindi ako takot mamatay---wala na rin ang mga kaibigan ko kaya wala namang iiyak pag nawala na ako..."
Mas diniin ko pa ang muzzle ng baril sa sentido niya.
Pinagmasdan ko ang mukha niya habang nakapikit siya.
Napakainosente, Napakahina.
Nanginginig pa ang kamay niya at mabilis ang pagtaas baba ng dibdib niya.
Bang!
Imbis na sa kaniya ko iputok ang baril ay ang kisame ang pinaputokan ko.
Napadilat siya at malalim ang kaniyang pinakawalang hininga, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.
Ngumisi ako sa kaniya.
"Hindi kita mamadaliin dahil nagsisimula pa lang tayo.."
Pak!
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...