Chapter 32

1.8K 110 28
                                    

JASMINE

This island is a damn piece of hell.

Kung hindi dahil sa matandang manyakis na iyon hindi kami mapapadpad sa Islang ito.

Sana nasa mabuting kalagayan ang mga kaibigan ko at walang nangyaring masama sa kanila.

Hay! Napapabuntong hininga nalamang ako ng malalim.

Ang dami kung pinagdaanang peligro sa islang ito ng dahil sa lalaking kasama ko ngayon. Peste to sa buhay ko! Malas! Malas! Sarap sabunutan ang buhok niya at ihulog sa motor na ito, kaso hindi pwede dahil siya lang ang pwede kung makapitan sa ngayon.

Binalak ko talagang iwan siya kanina dahil malakas ang kutob kung ikukulong na naman niya ako sa nakakapangilabot na bahay na iyon, pero dahil sa nangyari kanina, na marami pala talagang nagsiliparang masasamang elemento sa Islang ito ay mukhang pinagsisihan ko nang mapag-isa rito. Kung hindi siya dumating kanina ay malamang laspag na ako ngayon sa tatlong lalaking iyon. Hayst! Yuck!

Pero ganun parin kasalanan parin niya ang lahat ng kamalasang nararanasan ko ngayon dahil hindi ako naalis ng maaga sa lugar na ito dahil kinulong niya ako na parang manok sa bahay niya.

"Kumapit kang mabuti.." Utos niya. Oo na! Ang bilis niya ring magpatakbo ng motor, yung parang lumilipad na kami sa sobrang bilis ng takbo namin. Sobrang hilong hilo na ako dagdag pa yung walang tulog, walang kain at walang pahinga! Hay! Kaya no choice sobrang kapit ako sa kaniya ngayon, I wrapped my arms around his waist and lay my head on his wide muscular back, my legs touching his strong legs. Hindi ako komportable.

Amoy na amoy ko rin yung pabango niya. Hmp! May oras pang maligo ng cologne. Familiar Johnson Baby cologne to, yung pink---'Slide' yung flavor. Alam ko kasi yun ang gamit ko nung bata pa ako. Cheap naman nito!

Ayon na naman pumasok na naman sa isip ko yung nangyaring halikan namin kanina. Ayst! Bakit ko ba yun ginawa, akala siguro niya gusto ko yun, nadala lang po kasi ako---aynaku Jasmine ang landi mo! at sa estrangherong demonyo mo pa binigay ang first time mo!

Pero infairnesa kahit wala akung experience i feel na hindi siya marunong magkiss. Hindi passionate para bang mauubosan ng laway. Super Aggressive! Kulang nalang kainin niya buong bibig ko kasama pati ng mukha ko.

Wala ba siyang naging gf? Impossible! Sa itsura niya? Kamukha ni Sean opry?! Wala?!

Wag kang magpadala sa gandang lalaki niya okay! He is just deceiving you, remember masamang tao siya!

Hmp! Mukhang gusto mo naman yata Jasmine pati sa leeg di mo pinalampas! Haha! Pati tenga pa eh!

Just shut up inner bitch!

Gusto kung pagsasampalin ang mukha ko dahil sa ginawa kung kalandian. Tsk! Alam mo yun yung feeling na pinagsisisihan mo yung ginawa mo na ginusto mo naman that time.

I wish makaalis na kami sa Islang ito baka ano pang marating ko kasama ng nilalang na ito.

I want him to get lost and stay out of my sight for life!

Im hoping na magkita na kami ng mga kaibigan ko at makaalis na rito. Malakas ang kutob ko na matutulungan kami ng Hawk na iyon. Sana nahanap na niya sila.

Bigla siyang tumigil sa pagmamaneho ng makarating kami sa isang---Lumang Gusali. Lumang luma na ang gusaling iyon, yun bang parang sa mga Horror film na mga gusali na halos kinakalawang na ang lahat ng parte nito. Sa likod at gilid niyon ay may mga matatayog na punong kahoy.

"Dito ba nakatira yung Hawk na yun?" Mahinang tanong ko.

"Dito ka muna." Diretso siyang nakatingin sa gusaling iyon. "Delikado sa loob, mas maigi nang dito ka muna maghintay, babalikan rin kita agad."

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon