Chapter 26

2K 116 90
                                    

JASMINE

Tumutulo ang mga luha ko habang pinupunasan ng palad ko ang mga labi ko na nahalikan niya at ang bahagi ng katawan ko na nahawakan niya.

Nandidiri ako sa sarili ko. Ramdam ko parin ang mga haplos niya sa katawan ko. Isang malaking bangungot para sa akin ang pangyayaring iyon. Sa ganitong sitwasyon, sa hindi ko kilala at sa ganong klaseng tao ko pa naranasan ang unang beses ko. Ang unang yakap ko. Ang unang halik ko.

Punong puno ang dibdib ko ng galit at lungkot. Walang awa niya akung binaboy. Ginawa niya akung eksperimento dahil wala siyang karanasan. Dahil mangmang siya sa babae. Hindi tama ang ginawa niya. Hindi kita mapapatawad at sinusumpa ko na pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin.

Kanina ay sinadya kung halikan siya para saktan siya kahit papaano. Baka saan pa humantong ang kademonyohan niya. Kulang pa iyon sa mga ginawa niya sa akin magmula kahapon. Kung may pagkakataon lang ako ay hindi ako magdadalawang isip na patayin siya.

Napakawalang hiya niya, kaya siguro ganun nalamang siya kasabik makita kung anong meron ako dahil walang babaeng magkakagusto sa demonyong katulad niya.

Sa sobrang galit ko ay pabagsak kung ibinato sa pader ang plato na naglalaman ng pagkain na iniwan niya sa akin kanina. Nabasag iyon at nagkalat ang mga bubog sa sahig.

Napayuko nalang ako sa mga tuhod ko at umiyak ako ng umiyak habang yakap ang sarili ko.

Humagolgol ako sa pagiyak, hindi ko akalain na ganito ang kakahantungang namin.

Tumigil ako sa pagiyak at nagisip ng magandang paraan para makaalis rito.

Masyado siyang malakas at mahina ako. lalaki siya at babae ako, wala akung laban sa kaniya physically but emotionally meron...

Mukhang alam ko at ramdam ko ang kahinaan niya---

BABAE

Kailangan kung makahanap ng paraan para makatakas sa kaniya, para makaalis rito.

Kinuha ko ang iniwan niyang t shirt na nasa paanan ko at dahan dahan ko iyong sinuot, ayaw ko mang gamitin ang damit niya ay wala rin akung magagawa kaysa naman magdamag akung nakahubad sa loob ng silid na ito, Dahan dahan ang bawat kilos ko dahil mahapdi at masakit parin ang kamay at paa ko dahil sa pagkakatali niya sa akin.

Ilang sandali pa akung nagisip at tuluyan na akung nakatulog, kasama ang galit at lungkot sa malamig at madilim na silid na ito.

[Kinabukasan]

Nagising ako dahil naramdaman kung may marahan na humahaplos sa buhok ko. Sinubukan kung hindi magpahalata na gising na ako, Im barely breathing right now, pati paghinga ko ay pinipigilan ko.

I was very uncomfortable by his presence, i feel so unsafe right now, parang may malaki at mabangis na halimaw sa likuran ko na sa anumang oras ay aatakihin ako.

Patuloy parin siya sa kaniyang ginagawa at nanindig ang mga balahibo ko dahil sa inis at takot na nararamdaman ko.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng maramdaman kung tumigil siya sa kaniyang ginagawa at humiga siya sa tabi ko. Palihim na napakuyom ang mga kamay ko.

Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam kung patagilid rin siyang nahiga dahil ramdam ko ang mainit nitong paghinga na tumatama sa batok ko.

Ilang sandali kaming nanatili sa ganun ayos. Naramdaman ko na naman na hinawakan niya ang buhok ko. Para bang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Hindi ko matagalan ang ginagawa niya. Nakakapangilabot.

Napapalunok nalang ako ng sunod sunod.

Katahimikan.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon