Chapter 10

2.3K 110 40
                                    

Vulture

Nagising ako dahil sa malakas na katok na nangagaling sa kabilang kwarto kung saan naroon ang babae.

Agad akung bumangon at pinuntahan siya. Nang mabuksan ko ang pinto ay sinalubong ako ng mahihinang sampal at sapak nito na tumatama sa hubad na dibdib ko.

"Walang hiya ka! Palabasin mo ako rito! Kala mo matatakot ako sayo! hayop ka! Sige bakit hindi mo pa ako patayin---" umiiyak ito at galit na galit na pinagsasapak ang dibdib ko. Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya. "Patayin mo na ako---kala mo natatakot ako sayo!" Pinagsasampal pa niya ako ng ilang beses sa mukha. "Diba mamamatay tao ka naman---bakit ayaw mo pa akung patayin--Ahh! wala akung pakialam sa walang kwentang buhay mo--hindi kita kilala kaya palayain mo na ako--gago ka!-Alam ko may alam ka kung saan ang mga kaibigan ko."

I flexed my arms and my shoulder, and mas pinatigas ko pa ang dibdib ko para inisin ito. Nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa likod ng ulo ko habang pinapanood ko siya sa ginagawa niya sa akin.

Natatawa nalang ako ng palihim sa ginagawa niya, imbis na masaktan ako ay mas nasasarapan pa ako. Maliit ang mga kamay nito at napakalambot. Para lang niya akung minamasahe. Abot hanggang dibdib ko ang tangkad niya. Kayang kaya ko itong durugin sa sa isang iglap lang sa mga bisig ko.

Nang mapagod ito at magsawa sa ginagawa niya ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at iniangat ko ang mukha niya para magtama ang mga mata namin. Ibinaba ko ang ulo ko para magpantay ang mukha namin. "Yan lang ba ang kaya mo?" ngumisi ako. "Nauubos lang ang lakas mo." I gently caressed his cheeks.

Galit na galit itong tumitig sa akin at bigla niya akung dinuraan sa mukha.

Pwe!

Napapikit ako at napalunok ako sa ginawa niya, isang malaking insulto sa akin ang ginawa niya. Nagtiim ang bagang ko.

Nakangisi ito sa akin. Binigyan ako ng nakakainsultong ngiti.

Galit ko siyang tinitigan at bigla kung hinablot ang manipis nitong itim na t shirt at pinunit ko ito sa katawan niya.

The sound of her dress ripping apart on her weak and cold body was as loud as her screams and cries.

Nagmakaawa siya sa akin pero hindi ko yun pinakinggan kahit nanlalaban ito ay mahina na ito at hindi niya kayang depensahan ang bawat pagsulong ko, at nang matanggal ko na ang napunit nitong damit sa katawan niya ay tumambad sa akin ang nakakahumaling nitong katawan.

Familiar sa akin ang natirang suot nito sa katawan, yung mga nakita ko sa loob ng maleta na nasa bangka.

Ngayon ay alam ko na!

Tumakbo ito palayo sa akin habang yakap ang sarili. Tinakpan nito ang kaniyang magandang hubog ng dibdib. Nagtago ito sa gilid ng aparador. Umupo ito at niyakap ang sarili at tinago ang mukha niya sa mga tuhod nito habang umiiyak.

Madilim ang silid na ito pero naaninag ko parin gaano kaputi ang malambot nitong katawan.

Napalunok nalang ako sa nakita ko at biglang naginit ang katawan ko.

Ito ang unang beses na makakita ako ng katawan ng babae.

Natigilan ako saglit at napako ako sa pagkakatayo.

Wala na itong damit pangitaas tanging ang naiwan lang na maliit na sapin sa dibdib nito.

Umiiyak ito ng lumapit ako sa kaniya, magaspang kung iniangat ang maganda at hugis pusong mukha nito at ipinakita ko sa kaniya kung paano ko punasan ang spit niya sa mukha ko gamit ang damit niya na pinunit ko mula sa katawan niya.

Yan ang parusa niya.

Hindi na ito nagsalita at lumaban pa. Galit na galit itong nakatitig sa akin.

Nagulat ito ng bigla kung hawakan ang kaniyang noo at leeg, masyadong mataas ang lagnat nito. Mahinang mahina na rin siya.

Tumayo ako at lumabas sa silid na yun, dumiretso ako sa kwarto para kumuha ng damit para sa kaniya, Kumuha rin ako ng pagkain at tubig sa kusina at gamot sa lagnat.

Ganun parin ang position niya ng bumalik ako sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya at mabilis kung hinawakan ang kamay niya para isuot sa kaniya ang sweatshirt ko. Nagpumiglas ito.

"Bakit ba! Hinubaran mo ako kanina tapos ngayon ipapasuot mo sa akin yang damit mo!?" galit na sambit nito. "Mas gugustuhin ko pang nakahubad nalang ako habangbuhay kaysa suotin ko ang damit na yan---para lang yan sa mga hayop na tulad mo!" dagdag nito.

"Ayaw mo?" seryosong tanong ko. Umiling iling ito.

Dahan dahan kung pinadulas ang kamay ko sa malambot nitong braso papunta sa makinis niyang balikat, hinawakan ko ang tali ng suot nito at bahagya ko itong pinapitik. "Baka gusto mong ito na naman ang tanggalin ko?" Nagulat ito at natakot. Sinipa niya ako bigla ng malakas. Galit na galit na nakatitig sa akin.

Binigyan ko siya ng mala demonyong ngiti.

"Bwesit ka! Subukan mo!--subukan mong tanggalin din ito--hindi ako magdadalawang isip na itusok ko ang mga daliri ko diyan sa mga mata mo!"asik nito.

Ngumisi ako.

"Kung ayaw mong gawin ko--suotin mo ito." hinawakan ko ang nanginginig na labi niya. "Oh baka naman gusto mong tanggalin ko lahat ng suot mo---wag mo akung babalaan dahil walang natatakot sayo.." seryosong sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at idinikit ko ang palad niya sa pisngi ko. Tinatanggal niya ang kamay niya pero wala siyang lakas para mapigilan ako sa ginagawa ko.

Napakalambot ng mga kamay niya.

Sinubukan ko kung kaya ba niyang gawin ang sinabi niyang pananakot sa akin.

May patusok tusok ka pa ng mata--Takot ka naman.

Nanlaki ang mga mata nito. Huminga ito ng malalim at inagaw niya ang damit sa kamay ko.

Binawi ko sa kaniya ang damit. "Sinong may sabi sayo na ikaw ang magsusuot nito?" iniangat ko ang mukha niya at nagtama ang mga mata namin. "Hinubaran kita kanina kaya ako ang magsusuot nito sayo ngayon---naiintindihan mo." sambit ko.

Hinawakan ko ang malamig niyang kamay at ipinasok ang mga ito sa sleeves ng damit hanggang sa tuluyan na niya itong masuot. Tahimik na ito at hindi na lumalaban.

Pinasadahan ko siya ng tingin.

Napakaganda niya.

Nakakalat ang maalon at itim nitong buhok sa mukha niya kaya naman tinanggal ko ang pangtali sa buhok ko at itinali ko sa mahaba niyang buhok.

Nagulat ito sa ginawa ko.

Tinitigan ko siya. "Bakit hindi ka sanay?" tanong ko sa kaniya.

"Magpalakas ka dahil marami pa tayong pagsasamahan." kinuha ko ang kamay niya na kinagat ko kanina at hinalikan ko yung sugat niya. Nanlaki ang mga mata niya at nanginig ito sa takot. Ngumisi nalang ako sa kaniya.

Hindi na ito sumagot at galit na galit na nakatitig sa akin. Nagiwan ako sa kaniya ng malinis na pants, pagkain, tubig at gamot bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

"Babalikan kita agad---kaya wag na wag kang magtatangkang tumakas." pahabol ko habang naglalakad ako papunta sa pintuan. Tuluyan na akung lumabas ng kwarto at ni locked ang pinto.

Pumasok ako sa kwarto ko at mabilis akung nagbihis para pumunta sa pugad. Pinapatawag kami ni Boss.

Sinakyan ko ang aking motor papunta sa pugad.

+++

itutuloy....

----------

A/N

Ano kaya ang mangyayari kay Jasmine sa kamay ni Vulture? Makakatakas pa ba siya rito?

Please Vote, Follow, Comment and Suggest.

Hi. Calleigh18 & Pottahca. This one's for you. Thanks a Lot. Sa lahat ng nag follow. Thank you so much.

Shout out sa pinaka supportive na mare ko. Gela. ♥

Enjoy!

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon