Napakapayapa ng paligid, tanging ang tunog lang ng mumunting alon at pagaspas ng sanga ng mga puno ang naririnig ko, ang buwan at mga bituin sa langit ang nagbibigay liwanag sa napakagandang kapaligiran, ang sarap damhin ang simoy ng malamig na hangin na tumatama sa balat ko.
Kalayaan.
Ganito pala ang pakiramdam pag malaya ka pansamantala.
Sa pagmamasid ko ay may namataan akung mga tao sa timog bahagi ng dalampasigan ng Amarendos, Tanging ang liwanag lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw para makita ko sila.
Babae!
Ngayon lang ako nakakita ng babae sa buong buhay ko.
Tumakbo ang mga kasama niya papunta sa babae at inalalayan nila itong makatayo. Nang makatayo na ito ay nagyakapan silang tatlo na para bang wala nang bukas.
Natawa ako sa nakita ko.
Ano kaya ang pakiramdam pag niyayakap ng babae?
Napailing nalang ako sa tanong na yun habang nakangiti.
Man! Masarap ang bawal!
Yes, Bawal magmahal ang mga Agila dahil naniniwala ang grupo na banta at kahinaan lang ang babae sa kanila.
+++
A/N:
Hi. Im glad you're reading this story.
I hope you liked it.
Please if you'd liked the chapters consider given it a vote and please leave a comment.Thank you so much.
Enjoy reading ♥
Godbless and Keep safe! 😍
Please don't forget to click that cute little star button down below. 😂 Thank you. ♥
Thunder&Storm
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomansaPagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...