Chapter 5

2.9K 109 46
                                    

RAVEN

Pagdating ko ng Isla Guilla ay dumiretso ako sa barrack para e turnover kay boss ang Stello at magbigay ng impormasyon sa nangyaring bartrad.

Habang pauwi ako papunta sa aking cabin ay may narinig akung putok ng baril, kahit malakas ang kulog ng kidlat at sinasabayan ng walang humpay na buhos ng ulan ay hindi ako pwedeng magkamali. Malapit lang ang pinangalingan ng putok ng baril.

May naririnig akung mga boses malapit sa akin.

Nagmasid ako sa paligid.

Nabigla ako sa nakita ko...

Isang babae!

Hindi ako pwedeng magkamali siya yung niligtas ko kanina mula sa mababangis na mga hayop sa isla Amarendos.

Makikita sa magandang mukha ng babae ang labis na takot na kaniyang nararamdaman. Mukhang may humahabol rito.

Hindi nagtagal ay may sumulpot na isang lalaki sa likod nito at may hawak na baril. Nakangisi ito at nakakarindi ang kaniyang pinapakawalang tawa.

Kailangan kung iligtas ulit ang babae.

Natumba ang babae at pumatong ang lalaki sa kaniya, sinusubukang ilapit ng lalaki ang bibig nito sa mukha ng babae pero lumalaban ang babae.

Hinugot ko ang dala kung matalim na dagger at pinalipad ko ito papunta sa leeg ng matandang lalaki.

Tinamaan ko siya.

Bumagsak ang nag aagaw buhay na katawan ng matanda sa babae at itinapon ito ng babae ang bangkay ng matanda palayo sa kaniya.

Pinagmasdan ko muna ang babae at galit na galit na nakatingin parin sa lalaki. Nabigla ako nang hugutin niya ang kutsilyo na ginamit ko sa leeg ng lalaki at isinaksak niya ito ng buong pwersa sa mata ng lalaki.

Sinusubukan ng babae na tumayo ngunit mukhang wala na itong lakas.

Pasimply akung lumapit sa kaniya mula sa kaniyang likuran. At nang makalapit na ako ay bigla itong napahawak sa puno na para bang sa anumang oras ay babagsak ang katawan nito.

Agad akung tumakbo papunta sa kinaroroonan niya para alalayan siya, ng bigla itong bumagsak...hindi sa lupa kundi sa mga bisig ko.

Biglang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko..ng dumikit ang kaniyang malambot at malamig na katawan sa mainit na bisig ko.

Tinamaan ba ako ng kidlat?! kakaiba ang sensayon at emosyong nararamdaman ko.

Tumigil sa pag-ikot ang mundo ko ng magtama ang mga mata namin.

Tinitigan ko siya ng malalim. Biglang may likidong lumabas sa kaniyang malamig at nakakalunod na mga mata.

Luha yan dude!

Banayad kung pinunasan ang kaniyang malamig at namumutlang mga pisngi. Mainit ang likidong lumabas sa kaniyang mga mata.

Ano kaya ito? kakaiba.

Naramdaman kung nagulat ito sa ginawa ko dahil napapikit ito at napahigpit ang nakakapanghinang yakap niya sa batok ko.

Sa kabila ng takot at kaba na makikita sa kaniyang mapupungay na mga mata ay namumutawi parin ang ganda nito na para bang nilulunod ako sa kaniyang nakakamanghang kulay asul na mga mata.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. nakakapanghina ang mga titig nito.

Marahil andito rin ang mga kasama niya. Apat sila ng makita ko sila sa Amarendos kaya posibleng andito rin sila ngayon sa Guilla.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon