Chapter 29

1.8K 122 43
                                    

RAVEN

Hindi ko akalain na umiihi pala sa salawal ang mga babae.

"Nakakahiya sayo ang mapanghi kung amoy baka dumikit pa sayo!" Sabi niya. Nararamdaman kung lumalayo siya sa akin.

Sa tuwing lumalapit siya sa akin ay mas lalong lumalala ang sakit na nararamdaman ko sa puso. Nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at kakaibang bilis ng tibok ng puso, na para bang aatakihin ako sa sobrang bilis nito, pakiramdam ko rin ay bumabaliktad ang sikmura ko at may kung anong enerhiya ang dumadaloy sa buong katawan ko. Naaapektuhan ng presinsya niya ang buong systema ko.

"Sabay tayong maligo mamaya.." Sabi ko. Dapat ko siyang mahigpit na bantayan lalo na ngayon dahil sa sitwasyon, delikado kung hahayaan ko siyang mapagisa sa Guilla lalo nat alam na ng grupo na may nakapasok na intruder sa loob ng Isla.

Kailangan maibalik ko siyang ligtas sa Amarendos sa lalong madaling panahon.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya. "Hindi ba sabi mo alam mo kung saan matatagpuan yung kasama mong si A7? Baka pwedeng puntahan natin ngayon, sigurado ako na ang kasama niyang babae sa mga oras na ito ay isa sa mga kaibigan ko."

"Sigurado akung hindi lang tayo ang maghahanap sa kanila kundi buong grupo, sa mga oras na ito ay siguradong hinahanap na siya ng mga kasamahan ko.." Paliwanag ko sa kaniya habang nakatitig ako sa kaniyang mga mata.

"Grupo? Kasamahan?" Kunot noong tanong niya. "Hindi ba pwedeng maunahan natin sila?" Umiwas siya ng tingin at humiwalay sa akin. Tumingin siya sa baba ng Guard Tower, ang kaniyang mahabang buhok ay inililipad ng hangin. Kailangan na naming makaalis rito dahil hindi malabong ma ispatan nila kami mula rito sa taas.

"Umalis na muna tayo rito.."  Mabilis kung hinawakan ang kaniyang kamay at inalalayang makababa habang bitbit ko ang Riffle sa kaliwang kamay ko.

Bago siya tuluyang makababa ay nauna muna ako para e check muna kung may mga patrol ba sa ground, nang masigurado kung walang nakamasid ay naglakad na kami palayo sa Tower habang hawak ang kaniyang kamay.

"Sa tingin mo ba ay matagal nang bihag ng A7 na iyon ang isa sa mga kasama ko?" Tanong niya habang mabilis kaming naglalakad sa masukal na parteng ito ng Isla.

"Yun ang hindi natin alam sa ngayon, Kung matagal man niyang bihag ito at napatunayan ng grupo na hindi niya agad ito ipinaalam o inilihim nalang niya ang tungkol rito ay papatawan siya ng mabigat na parusa..

"Anong klaseng parusa?"

Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Mas makakabuti sa kaniyang wala siyang masyadong alam sa mga nangyayari.

"Sagutin mo nga ako!" Huminto siya sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako at napatingin sa kaniya.

"Hindi na kailangan..Ang lahat ng narinig mo o nakita mo ay mananatili lang sa Islang ito.." Seryosong sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong niya. "Alam mo hindi ko talaga mainitindihan ang mga nangyayari.. Napakaraming mysteryo at panganib sa lugar na ito, pwede bang ipa intindi mo sa akin.." Galit ang kaniyang tinig.

Hindi na ako sumagot. Wala akung dapat ipaintindi sa kaniya dahil yun ang makakabuti sa kaniya, ang gusto ko lang ay maibalik siya at wala na akung dapat sabihin pa sa kaniya.

"Buhay namin ang nalagay sa kapahamakan, kaya may karapatan ako na malaman ang lahat! Kung ano ang nangyayari rito!" Galit na sigaw niya. "Alam kung wala akung karapatang malaman kung ano ka o sino ka ba talaga, o anung klaseng tao ka, pero parang awa mo naman, Para akung tanga rito dahil sunod ako ng sunod sayo pero hindi naman ako sigurado kung matutulungan mo nga ako, ni hindi ko alam ang dahilan bakit nangyayari ito! Kung bakit kami delikado sa lugar na ito..For God sake!"

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon