Vulture
Kasalukuyan akung naglalakad sa dalampasigan ng makita ko ang isang puting motorboat na nakapwesto sa gilid ng dalamapasigan. Nagtaka ako sa nakita ko dahil itim na speedboat lang ang ginagamit namin sa Isla.
May nakapasok sa Guilla.
Agad akung naglakad papunta sa bangkang motor at iniexamine ito. Mga maleta at mga bag ang laman nito.
Binuksan ko isa isa ang mga maleta at bag, Mga damit, sapatos, pera, gadget at kung ano-ano pang walang kwentang bagay ang mga laman nito.
Ano naman to? Sobrang dami nito. Nagtatakang tanong ko sa sarili ko habang hawak ang isang uri ng damit na gawa sa maliit na tela, may garter na naka kabit sa magkabilang dulo nito at may malambot na pad sa loob nito. Pinisil pisil ko ito. Mukhang kasya ang dalawang ulo ng bata sa loob nito.
Bra yan pre!
Mukhang may balak pang mag bakasyon sa Guilla ang may ari ng mga ito.
Kailangan kung hanapin agad kung sino man ang nangahas na pumasok sa Isla.
Bumaba ako at pinaputokan ko ng sunod sunod ang Gas Tank gamit ang aking 45 cal.
Boom.
Hindi nagtagal ay lumiyab ang apoy at tuluyan nang tinupok ang bangka pati narin ang lahat ng gamit doon.
Kailangan kung mahanap kung sino man ang pumasok sa Guilla at sisiguraduhin kung hindi siya makakalabas ng buhay rito.
Inobserbahan ko ang mga bakas ng paa sa buhangin at mukhang sa Exit 4 nagawi ang taong ito.
Alerto akung nagmamasid sa paligid.
Pagkalipas ng ilang minuto ay may naramdaman akung presinsya ng tao malapit sa akin.
Dahan dahan akung lumapit at nabigla ako ng makita kung isang babae ang nasa harapan ko.
Mukhang hindi siya mapanganib pero hindi ako dapat makasigurado.
Sumandal ito sa puno at niyakap ang sarili. Mukhang pagod ito.
Katapusan mo na.
Ipinatong niya ang kaniyang baba sa tuhod niya habang yakap ang kaniyang sarili.
Mabilis akung naglakad papunta sa kaniya at tinutukan ko siya ng baril sa ulo habang mahigpit na hawak ko ang kaniyang malamig na batok.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat.
Nagmakaawa siya sa akin ngunit mas nagiging determinado ako sa ginagawa ko. Bago ko siya tuluyang patayin ay kailangan ko munang alamin kung bakit siya nandito sa Guilla at ano ang kaniyang pakay.
Labis siyang nasasaktan sa ginagawa ko sa kaniyang pananakit. Naguumpisa pa lamang ako at mas masasaktan siya sa akin pag hindi siya nagsabi ng totoo.
Malalim at mapupungay ang kaniyang kulay light brown na mga mata na napapalamutian ng mahaba at makapal na pilikmata, punong puno ito ng galit, takot at kalungkutan.
Natigilan ako ng sampalin niya ako ng dalawang beses. Ngumisi lang ako sa kaniya.
Mukhang inuubos niya ang pasinsya ko.
Naramdaman ko ang labis na galit at takot sa kaniyang mukha ng hawakan ko ang kaniyang malamig na mga labi. Kaya bigla itong nagsalita at sinabi niya sa akin ang kaniyang pangalan.
Jasmine
Hindi parin ako kumbinsido sa sagot niya. Alam kung may ibang dahilan kaya siya napadpad rito.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...