Hawk
Lumagok muna ng alak si Mr. Siao bago niya ilapag ang Blackprint sa mesa. Ang profile ng susunod na target.
Kinuha ko yun at binasa ko ang laman.
Si Mr. Siao ang isa sa mga right hand at pinagkakatiwalaan ng leader at founder ng Black Eagle. Siya ang nakatalagang mangasiwa sa Guilla, ang teritoryo ng Black Eagle sa bansa.
55 taong gulang na si Mr. Siao at wala itong pamilya. Ginugol niya ang buong buhay niya sa trabaho.
Kasalukuyan kaming nasa pugad, ang headquarter ng mga Agila, kasama si Jay at Crow, ang dalawang nabanggit kung pangalan ay labis na pinagkakatiwalaan ni Mr. Siao.
Si Jay, Rook at Crow ang mga nakasabayan ko sa Guilla. Kami ang pinaka unang Asset ng Black Eagle.
Tinawag kami na Red winged. Ang unang Agilas.Anim na taong gulang ako ng dalhin ako sa Isla Guilla at ngayon ay 34 anyos na ako. 21 anyos ako ng mabigyan ako ng mission sa unang pagkakataon at nagtuloy tuloy yun sa loob ng labing apat na taon.
Ibat ibang lugar na ang napuntahan ko para isagawa ang trabaho. Ganun din si Jay, Crow at Rook. Mahigit sampung taon na kami sa trabahong ito, walang kalayaan at walang saysay ang buhay.
Hindi magdadalawang isip ang Black Eagle na tapusin ang sino mang Agila ang magtitiwalag sa grupo.
Hindi ako takot mamatay ngunit kailangan kung mabuhay para tuparin ang matagal ko nang pangako sa taong bumuo ng pagkatao ko. Ang nagbigay ng kulay sa madilim na mundo ko.
Lumagok ako ng alak, inubos ang lahat ng laman ng baso at pabagsak kung ibinaba ang baso sa table. "What if i refused?"nagdilim ang mukha ko at pinipigilan ko ang sarili ko na saktan si Mr. Siao.
"Then i will peeled off your skin, cut off your bones and cooked them." Seryosong sagot nito at lumagok ulit ito ng alak.
Halang ang kaluluwa ni Mr. Siao, isa siya sa mga nagdadala ng mga kabataan sa Guilla upang magtrabaho at sanayin upang maging isang magaling na Assets. Siya rin ang nagtatalaga sa amin sa bawat trabaho.
I tightly gripped the glass in my hand as hard as i could at nadurog ito sa kamay ko. Bahagya akung nasugatan. "Kayang kaya kitang durugin sa mga kamay ko Mr. Siao..---wag mo akung tinatakot" seryosong sagot ko.
Hindi na nagsalita si Mr. Siao sa halip pabagsak niyang inilapag sa harap ko ang isa pang dokumento.
Kinuha ko ang dokumento at binasa ko ang laman, pagkatapos ay pabagsak ko itong inilapag ulit sa mesa.
"That is a suicide mission."
"Your job is to kill Hawk, besides hindi yan solo mission--hindi lang ikaw ang mag eexecute ng trabaho." galit siya na tumingin sa akin.
Nakasulat sa Assassination plan na kasama ko si Raven at Vulture sa pagsagawa ng trabaho.
Si Vulture, Raven, Falcon at Stellar ang ikalawang Asset ng Black Eagle. Sila ang magkakasabay na dinala at sinanay sa Guilla. Wala pa ni isa sa kanila ang nabigyan ng mission kaya ito ang unang pagkakataon.
Tahimik lang na nakikinig si Jay at Crow. 34 taong gulang na si Jay at si Crow naman ay 31, ganun din si Stellar.
Kampante ako sa mga kasama ko lalo na si Raven, ang pinakamahusay na sniper ng Agila, matalino at magaling sa mga teknolohiya. Si Vulture naman ay tahimik at seryoso sa trabaho. Hes also one of the sharpest shooter and expert in explosive devices.
Bumukas ang pinto at pumasok si Vulture. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tapat ko. Inilapag ko sa harapan niya ang Blackprint. Kinuha niya ito at binasa. Hindi na ito nagsalita pagkatapos niyang malaman na kasama siya sa susunod na Mission. Tahimik lang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/251583298-288-k676529.jpg)
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...