ROSE
*Yawn.*
*Yawn.*
*Yawn.*
Bakit hindi nalang kaya yung mga hinayupak na iyon ang naglibing sa mga bangkay na ito.
RIP Mr. Herrera. 😔 Wala man lang awang pinatay ang mga ito.
Nakaupo ako sa isang malaking bato at pinapanood ko si Raven habang naghuhukay ng lupang paglilibingan sa mga bangkay.
Kawawa naman siya, Pagdating niya ng bahay--sunog na at kasalanan ko yun. Pagkatapos naman ay magdamag niya akung hinanap, at ngayon naman ay heto naghuhukay ng paglilibingan sa mga bangkay na ito.
Naguguilty tuloy ako. Hindi mangyayari ito kung hindi ako umalis kanina sa tabi niya.
Pumuwesto ako sa likuran niya dahil ayaw kung nakaharap sa kaniya dahil nakaka awkward siyang panoorin habang nakahubad ang pangitaas niya.
Yung kaninang basang pantalon niya ay punong puno na ngayong ng putik.
Ang dungis na niya talaga. Pero infairness---He's the sexiest and dirtiest Gay alive parin. Hahaha!
Malapit nang mag umaga at inaantok na ako dahil sa sobrang pagod. Mag aalas tres na siguro ngayon.
Ahem. Tumikhim ako. Namamaos na ako sa sobrang lamig, napapayakap ako sa sarili ko.
"Ah excuse me...Mmm Okay na siguro yan, malalim na yan--at sigurado akung kasya na sila diyan." Wika ko.
Alam ko hindi pa sapat ang hukay sa tatlong bangkay pero---Errr! Nakakakot kayang kasama ang mga bangkay na ito baka bigla nalang maging buhay na patay. Nakakapangilabot.
Sarap din isama sa libing yung bangkay ng matandang rapist para naman hindi pakalat kalat ang bangkay niya. Scary! Kadiri!
Pero wag nalang---hindi niya deserve mabigyan ng libing. haha. Pwede pang mapakinabangan ng mga hayop ang bangkay niya. Haha!
Mmm.
"Wala bang police dito?! Ireport kaya natin yung nangyari, para naman pagbayaran ng Boss Leon na yun ang ginawa niya, baka kasi masangkot pa tayo dahil sa ginagawa natin...Baka tayo pa ang mapagbintangan sa nangyari."
Pahiya.
Katahimikan.
Pahiya.
Parang wala siyang naririnig. Seryoso siya sa ginagawa niya. Grabe wala talagang siyang sense na kasama... Hindi marunong makipag socialize. tsk! Buti pa yung unggoy marunong sumagot.
Katahimikan
Katahimikan
Katahimikan
Katahimikan
Yawning
Yawning
Yawning
Grabe naman hindi ba siya napapagod. Ako ang napapagod sa kaniya e.
"Buong bansa ba ang ililibing mo diyan kaya ganiyan yan ka lapad? Okay na yan..." Mataray na sambit ko.
Ako pa yata unang maililibing diyan dahil paniguradong nagka dengue na ako sa sobrang dami ng lamok dito.
"Alam mo kanina nung paalis ako palayo sa bahay mo--Dinaanan ko yung bangkay ng matandang rapist, ---yung pinaliparan mo ng kutsilyo sa leeg...Grabe nakakatakot yung itsura niya para siyang buhay kung makatitig sa akin. Kinilabutan ako ng sobra. Alam mo yun..!" Feel na feel ko ang pagkukuwento para bang kunwari takot na takot ako.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...