JASMINE
"Jasmine.."
Ito ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko, nasabi ko ito sa kaniya nung una kaming magkita habang nakatutok ang baril niya sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinikit niya sa kaniyang dibdib. "Pakiramdaman mo.." Masuyo niyang sabi.
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.His heart beats crazily.
"Anong nangyayari sayo? Kinakabahan ka ba?" Nagaalalang tanong ko.
"Hindi ko alam.." Sagot niya.
"Normal lang na makaramdam ng takot sa mga ganitong sitwasyon, hindi madaling makatakas sa mga taong iyon, kailangan mo lang maging matapang." Sabi ko. "Wag kang magalala hihingi ako agad ng tulong sa mga authoridad pagkarating ko agad sa Maynila kaya wag ka nang kabahan diyan." Ngumiti ako sa kaniya.
"Hindi ako natatakot sa kanila.." Sabi niya. "wag mo na akung alalahanin."
"Wag ka ngang magkunwari..Okay! Normal naman na makaramdam ng takot, parepareho lang tayo ng pakiramdam."
"Ang mahalaga ay makauwi kang ligtas at wag mo na akung problemahin." Seryosong sagot niya.
"Shhh..Kunwari pa to." Sabi. "I knw you're afraid and nobody's gonna judge you for that dahil normal yan! Hmm.. O baka naman yung gamot na ininom mo kanina.."
Before, he was unbreakable, ruthless and his eyes was full of hatred and pain, but now, he seems so vulnerable right now.
"Baka nag papalpitate yang heart mo dahil sa gamot.." Dagdag ko.
"Hayaan mo na to.." Mahinang sagot niya. "Ihahatid na kita..I'll drive."
"Sigurado ka?" I asked. "Teka nga, why you're so worried? ngayon mo lang ba naramdaman na kabahan ng ganiyan katindi?" Tanong ko.
Tumango lang ito.
"Talaga? Seryoso ka?! Hahaha! Maniwala ako sayo. Wag ka nang mag deny." Sabi ko.
Hindi na ito sumagot.
"Magtapat ka nga sa akin, Ano at sino nga ba ang mga iyon bakit ka kinakabahan ng ganiyan katindi? Ngayon mo sa akin sabihin ang lahat." Seryoso kung sabi. "Para naman kahit papaano ay may ideya ako sakali mang mag tanong ang mga police sa akin.."
"Wala na tayong oras para sabihin ko pa sayo ang tungkol sa mga bagay na yan, at sigurado akung wala silang kinalaman sa nararamdaman ko ngayon.."
"Okay Okay..fine.." Sabi ko. "Mmm. Kailangan ko lang ng impormasyon galing sayo..ni hindi ko nga alam anong pangalan ng lugar na yun..kahit yun lang ang masabi mo
sa akin..pwede ba yun sayo?""Sapat na ang mga nakita at narinig mo.. I will not disclose any information to you dahil mas mapapahamak ka lang..kailangan mong intindihin ang mga sinasabi ko." May diing sabi niya.
"Akala ko ba tutulungan mo ako!" Inis kung sambit.
"Oo tutulungan kitang makaalis sa Islang iyon pero hanggang doon lang iyon, at maniwala ka sa akin mas mabuting wala kang maraming nalalaman." Seryosong sabi niya. "Dahil yun ang makakabuti sayo."
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...