Chapter 17

2.1K 120 87
                                    

DAISY

Day 1

"WHAT the F!" Nanlaki ang mata ko sa nakita ko at bumilis lalo ang tibok ng puso ko.

Nakatago kami ni Dhalia sa likod ng isang matayog na puno at mula rito ay kitang kita namin ang nakakagulat na eksena na bumungad sa amin.

"Oh my...!" Gulat na sambit ni Dhalia. Nanlaki ang kaniyang mga mata at automatikong natakpan niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay. Napailing iling ito. "We need to run!" hinawakan niya ako sa braso at hinihila niya ako palayo sa lugar na ito. Humakbang siya paatras para tumakbo pero pinigilan ko siya.

"We need to stay here...please..." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa braso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagka gulat niya at panginginig dahil sa nakita namin, ganun din ang nararamdaman ko sa ngayon ngunit mas magiging delikado kung tatakbo kami at gagawa ng ingay. Baka sa oras na makita nila kami ay kami pa ang gawin nilang shooting target.

Nagulat kami ng bumungad sa amin ang mga kabataan na nasa edad 10 hanggang 14 anyos, naka pwesto ang mga ito sa isang sa malawak na open ground kung saan may naka hilerang ibat ibang klase ng mga de kalibreng armas at mga bala. Sa tantiya ko ay nasa lagpas dalawampu ang bilang nila. Nakahawak ang mga ito ng baril at nakasuot sila ng uniform at may mga itim na bandana sa kanilang ulo.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Throw back Picture ni Raven when he was young with the other Agilas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Throw back Picture ni Raven when he was young with the other Agilas. Upper right side.

Child soldiers!?

Mayroon din mga lalaki ang nakapalibot sa kanila, nakasuot ang mga ito ng itim na uniform at may hawak na mga long arm weapon.

Pinagmasdan kung mabuti ang mga nakatatak sa suot nila.

Eagle?

Isang Malaking Eagle Mark ang nakatatak sa likod ng kanilang itim na uniporme.

"Eagle?---Anong grupo ito?"

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon