Chapter 27

2K 137 68
                                    

DAISY

"Malas naman oh.. sa dami ba naman ng lugar, bakit dito pa kami napadpad...Huhuhu" Mahina at malungkot na bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palabas sa lumang gusali. Dahan dahan ang bawat hakbang ko para maiwasang gumawa ng ingay.

Dhalia! Kung sinadya mo akung iwan dito---Pakyu ka girl!

Pero impossible eh, malabong sinadya niya akung iwan dito, oo--at kahapon lang namin nakilala si Dhalia pero impossibleng iwan lang niya akung magisa rito.

Mas tumindi pa lalo ang pagaalala ko sa mga kasama ko.

Huminga ako ng malalim ng tuluyan na akung makalabas ng gusaling iyon.

Whooo!

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Paulit ulit akung huminga ng malalim habang nakayuko at nakahawak sa magkabilang tuhod ko, Im trying to relax myself para bumalik sa normal ang bilis ng tibok ng puso ko dahil para akung aatakihin sa sobrang kaba.

Nagiisa na ako at hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Hindi ko na alam saan ko hahanapin ang mga kasama ko.

Im all alone right now, right here on this damn island.

What should i do now?! What am i supposed to do?!

Nababaliw na ako. Dalawang araw na akung walang kain. Walang tulog.

"Come on Daisy, Relax. Kalma ka girl, kalma!" Mangiyakngiyak kung pinapanatag ang sarili ko.

Nalalagkitan na rin ako sa natuyong dugo sa mukha ko. Yuck!

Pabagsak akung umupo sa damuhan at sumandal sa puno. Mainit ang panahon ngayon kaya naman mas tumitindi pa lalo ang pagka uhaw ko.

Bumalik na naman sa isipan ko ang mga batang sinasanay sa paggamit ng baril at iyong lalaking muntik na kaming patayin.

Nakakatakot! Paano kung bigla ko nalang makasalubong ang mga batang iyon. Grrr! Napailing iling nalang ako dahil sa nakakatakot na isiping iyon.

Hayyy. Napabuntong hininga ako ng malalim habang tinatapik tapik ko ng mahina ang sikmura ko na nagaalburuto dahil sa sobrang gutom habang nakatingin sa kawalan.

"Messori eh Messori hindi dito!" Sigaw ko. "Hindi sa pugad ng mga terrorista..!"

Ilang minuto pa akung nagpahinga habang pinagmamasdan ang paligid ko.

Kung tutuusin ay sobrang ganda ng lugar na ito, malinis, tahimik, maliban lang sa mga putok ng baril kanina syempree! Maraming matatayog na mga punong kahoy at mga halaman, naggagandahan din ang mga wildflowers na may ibat ibang kulay na nakapalamuti sa kapaligiran, lalo na ang ganda ng dalampasigan na may maputi at malinis na buhangin, at ang kulay asul na dagat na sobrang linis at sobrang linaw.

Sigurado akung pagaari ito ng malaking grupo ng terrorista at ginawang pribado ang islang ito.

Tumingala ako sa kulay asul na langit at masayang pinagmasdan ang mga kalapating malaya at masayang nagliliparan sa kalangitan. Napapikit ako at dinama ang sariwang simoy ng hangin na tumatama sa balat ko habang pinapakinggan ang nakakarelax na huni ng mga ibon sa kalangitan.

Ang sarap sa pakiramdam...

Huminga ako ng malalim habang nakapikit at inaalala ang masasayang araw ko kasama ng pamilya ko at ang mga kaibigan ko.

Katahimikan.

Katahimikan.

Katahimikan.

Ilang sandali pa akung nanatili sa sitwasyong iyon at dinama ang sariwang simoy ng hangin ng biglang---

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon