Third Person POV
18 years ago
"Move! Move! Faster!.." Sigaw ni Mr. Siao sa mga batang pinapababa ng mga armadong mga kalalakihan sa yate na dumaong sa Guilla, mga kabataang nasa edad walo baba ang lulan ng yate, Napapaligiran sila ng mga armadong kalalakihan.
Mga sanggol pa lamang sila ay bihag na at nasa poder na sila ng grupo, dinadala at inaalagaan ang mga ito sa isang illegal na orphanage na kunwariy kumukopkop ng mga batang lalaking naulila na, pagnagka edad na sila ay dinadala na sila sa Guilla para magtrabaho at magsanay. Malalaking tao ang nagpoprotekta at nagpapatakbo ng organisasyong ito kaya naman hindi ito ganun kadaling banggain.
Nang makababa lahat ng mga bata ay isa isa nilang marahas na pinaluhod ang mga ito sa dalampasigan habang ang magkabilang kamay nila ay nasa likod ng kanilang ulo.
Hating gabi kung isagawa ang ganitong klaseng kalakaran, lalo lang lumalakas ang ulan kaya naman basang basa ang lahat ng naroon maliban lang kay Mr. Verago, Mr. Siao at ang kaniyang kanang kamay na si AK, black umbrellas holding by their men was protecting them from getting wet from heavy rain, nakasuot ang mga ito ng black suit and tie. Agad na sumindi ng sigarilyo si Mr. Verago ng sigarilyo habang pinapanood niya ang mga nangyayari, si Mr. Verago ay isang mestisong Italyano, 41 yrs old, ang ulo sa likod ng kidnapping ng mga batang bihag nila, siya ang supplier ng Black Eagle ng mga kabataang ginagawang bihag ng grupo sa loob ng Isla upang sapilitang pag trabahuin sa pagawaan ng mga armas at iba pang illegal na aktibidad sa loob ng Isla, Sinasanay at masusi ring sinasala ang mga kabataang lalaki upang gawing Hired Killer o Professional Assassin ng Grupo.
Labim pito ang bilang ng mga batang bihag ng grupo ang narito ngayon sa dalampasigan ng Guilla. Galing ang mga bata sa ibat ibat lugar sa bansa at mayroon din sa mga karatig bansa, tulad ng Italya, China, Mexico, at Istanbul.
"Impressive Mr. Verago." Ani Mr. Siao na tatango tango pa. "lahat mukhang matitibay at masunurin ang mga alaga mo.."
Humithit muna ito ng sigarilyo bago magsalita. "I raised them as wild animals so be careful with them.." Humalakhak ang mga ito.
Pinagmasdan sila ni Mr. Siao, tahimik lang ang mga batang nakaluhod sa buhangin. Walang takot o emotion ang makikita sa mga mukha nila. Diretso lang ang kanilang tingin.
Naglakad si Mr. Siao upang lapitan ang isa sa mga bata. Yumuko ito at inilapit ang mukha sa bata. Matapang na sinalubong ng mata ng bata ang titig ni Mr. Siao. "Hmm. I like the fire burning in your eyes Man." Hinawakan niya ang baba ng bata at iniangat niya iyon. "Whats your name?" Hindi sumagot ang bata at matalim lang itong nakatitig kay Mr. Siao. "What's your name!?" He said on his Chinese accent.
"I am---" He paused. "---going to kill you.." He continued, Kalmado lang ang tinig ng bata.
Rumehistro ang pagkamangha sa mukha ni Mr. Siao, tatango tango lang ito habang nakangisi.
"I like him..!" Tatango tangong sabi nito habang nakatingin kay Mr. Verago.
Ibinalik niya ang tingin niya sa bata. "Can you do me a favor Mr. Brave man?" Hindi na sumagot ang bata, matapang lang itong nakikipagtagisan ng titig kay Mr. Siao.
Inilahad ni Mr. Siao ang kamay niya sa isa sa kaniyang mga tauhan. Agad namang iniabot ng lalaki ang Revolver sa kaniya at ibinigay ito ni Mr. Siao sa bata. Walang pagaalinlangan kinuha iyon ng batang bihag.
"Kill the weakest you knew among your group.." Seryosong utos ni Mr. Siao sa bata.
Tumayo ang bata at mabilis na kinasa ang baril at walang pag aalinlangan ipinutok iyon kay Mr. Verago. Tumama iyon sa kaniyang tiyan. "Son of a bitch!" Nasambit nalang ni Mr. Siao, Duguang natumba sa malamig at basang buhangin si Mr. Verago, gulat at pagkapahiya ang makikita sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOY
RomancePagkatapos mag graduate ng College ang magkakaibigan na sina Daisy, Jasmine at Rose ay tinupad nila ang kanilang pangarap na makapag bakasyon na magkakasama sa isa sa pinaka magandang isla sa bansa ang Messori Island. Ngunit mapaglaro ang kapalaran...