Chapter 2

4.1K 161 72
                                    

RAVEN

Pinahinto ko ang itim na Midnight Express 39 Black Color Speedboat ng dumating na ako sa lugar kung saan magkikita kami ng buyer at carrier ng Stello.

Ang Stello ay galing sa loob o labas ng bansa at dinadala ito ng carrier malapit sa Isla ng Guilla, ang buyer o carrier ay hindi pinapayayan na makapasok sa Guilla kaya naman sa labas malayo sa isla namin siya inaabangan para makipag kalakalan.

Ang tawag sa transaksyong ito ay Bartrad ito ay pagpapalitan ng pera, produkto o serbisyo sa pagitan ng Black Eagle at ang mga kliente nito.

Ang Stello ay naglalaman ng malaking halaga ng pera na binabayad ng kliente kapalit ng serbisyo o produkto.

Ngunit hindi ang yan ang pinaka importanteng laman ng Stello, kundi ang Black print.

Ang Black print ay naglalaman ng kumpletong detalye ng susunod na mission at profile ng susunod na target.

Ito ang unang beses na binigay sa akin ang trabahong ito.

11 pm ang usapang oras ngunit maaaga akung dumating rito, ang usapang lugar ay sa hilagang parte ng dalampasigan ng Amarendos kung saan madilim at hindi ma'tao.

Ang taong may dala ng Stello ay galing pa sa Alamegos Province.

10:45 pm.

Malakas ang hangin at mukhang uulan, nakasuot ako ng Black leather Jacket at Black V-neck Shirt kaya hindi ako masyadong nilalamig at sa pangibaba naman ay Black Jeans at Black Army Boots. Nagsuot ako ng full black dress para hindi ako mahalata sa dilim.

Ito ang unang beses na nakalabas ako ng isla ng Guilla sa loob ng 18 years dahil sa pagawaan ng mga illegal na bagay ako laging nakatalaga.

Ang Guilla ay pribadong isla na pagaari ng crime association na kinabibilangan ko ang Black Eagle, at mahigit ilang dekada na rin itong nag o-operate.

Ang Black Eagle ay may sariling pagawaan ng mga de kalibreng armas, bala at mga pampasabog sa loob ng isla at binibinta sa loob at labas ng bansa.

Connected ang Black Eagle sa World Crime Association at ang Guilla Island ang territoryo nila sa bansa.

7 anyos pa lamang ako nang unang dalhin ako sa Guilla at maraming kabataan ang nakasabayan ko para magtrabaho at magsanay.

Bata palamang kami ay sinasanay na kami sa paggawa ng mga illegal na bagay sa loob ng isla at sinasanay para maging magaling na hired killer o professional assassins.

Sinisimulan nila kaming turuan sa edad na 7 taong gulang hindi lang sa aming Physical Ability kundi pati narin sa aming Intellectual Capacity and Ability.

26 anyos na ako at tanging baril at bala lang ang naging buhay ko sa loob ng Guilla.

Lahat ng tao sa Isla ay puro lalaki at lahat kabilang sa Black Eagle, ang mga taong pumapasok sa Isla ng walang pahintulot ay hindi na nakakalabas ng buhay.

Ang Black Eagle ay makapangyarihan, maraming connection sa loob at labas ng bansa, hindi madaling magtiwalag sa grupong ito, tanging kamatayan lang ang paraan para maging malaya.

Ang tawag sa amin ay Agila--kami ang gumagawa ng mga illegal na bagay at binibinta sa Blue Market sa loob at labas ng bansa.

Tinawag ito na Blue Market dahil sa ibabaw ng dagat nangyayari ang Bartrad o kalakalan ng produkto.

Malalaking tao ang target ng Black Eagle Assassin, hindi lang sa bansa ito nag ooperate pati narin sa ibat-ibang bansa.

Hawak ng malalaking tao ang Black Eagle, at may mga tao din sa governo ang kabilang dito.

KILL ME NOT MR. ASSASSIN- TAGALOG PINOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon