"Kuya Kyleeee!!!" tili ko ng makita ko ang pinsan ko sa living room namin.
Jusko! Bakit ang gwapo ng pinsan ko? Bakit hindi ito crush ng crush nya? I feel so sad for him. So pareho pala kami broken hearted ng pinsan ko.
"Alam mo ang ingay mo. Yung sigaw mo parang sigaw ni.."
"Ni Dane? Yung bestfriend mong mahal na mahal mo na din mo masabi. Tsk! So sad. Mag-valentines pa naman." kunwari lungkot kong sabi.
"Nagsalita may lovelife. Tigilan mo ako kapag ako nainis, 'di kita sasamahan sa Ball. Mag-iisa ka." tampo ng pinsan.
"Aayyy! Sorry sensitive? Hehehe joke lang naman." lumapit ako at umakbay sa kanya.
Napakamatampuhin nito eh. Parang ewan lang. Kay Dane kaya ganito rin ito? Kaya siguro di magustuhan ng bestfriend nya, ang arte-arte kasi.
"wow! Ang pogi naman ng pamangkin ko." papuri ni Mommy sa pinsan.
"Syempre Tita, nasa dugo natin yan." pagyayabang nito sa amin.
"Yabang!" komento ko. Well, totoo naman. Matatangos ang ilong namin, maliit ang mukha tapos mamula-mula pa ang balat.
Iniwan ko muna saglit sina mommy at Kuya Kyle coz I'm gonna prepare para sa Ball later.
Habang busy ako sa pagscroll sa akin cellphone while inaayusan ako ay bigla nag-pop up yung message from Chester.
"Hi! I know hindi ka papayag na naging date ko for the Ball later, but can I have the chance na makausap ka mamaya or even dance with you. I miss you baby so much. :(
Gusto kong sagutin na miss ko na din sya pero ito na naman ako tinatalo ng selos. Lakas ng loob nya mag-message ng ganun kahit alam ko naman na si Claudia ang partner nya mamaya.
"Baka magalit ang date mo mamaya." I replied. Medyo nag-shake pa ang kamay ko habang nagtytype ng message ko for him.
"Wala akong ka-date mamaya. Pwede ka pa bang iinvite?" agad nyang reply sa akin.
"Beh, wag kang malikot." saway ng make-up artist.
"Sorry po." I tried to concentrate tapos I tried my best pa rin na makareply sa message nya sa abot ng aking makakaya.
"Paano si Claudia?" lakas loob kong tanong. Dito lang naman ako malakas ang loob pero kung personal ito baka umiyak na lang ako.
"Ha? Ewan ko doon. Hindi ko naman sya ininvite at wala akong balak kasi ikaw lang gusto kong maging partner."
Halos malaglag na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Lumagpas tuloy ang lipstick ko sa sobrang pagkakanganga ko.
"Halaaa sorry be. Okay ka lang ba?" sabi ng make up artist.
"Okay lang po. Pasensya na po at medyo nagulat lang ako." paghingi ko ng sorry at tuluyan na muna akong nag-focus sa pag-mamake-up sa akin para matapos na namin ito at nang makaalis na. Mamaya naman ay paniguradong pipilitin ni Chester na kausapin ako kahit ayaw ko. Hindi ko na sya matatakasan pa. Kung sabagay para malinawan na rin ang lahat.
Pagbaba ko ng hagdanan ay nakita ko ang mga gulat na reactions nila Mommy at Daddy lalo na ang pinsan kong si Kyle.
"Akalain mong maganda ka pala. Hahaha" biro ng pinsan ko sa akin.
"Kapal ng mukha mo." hinampas ko sya ng hinampas.
"Tama na yan. Kayong dalawa talaga parang mga bata." saway ni Mommy sa aming magpinsan.
"Luh! Akala mo talaga kinaganda nya." tawang-tawa na komento ng magaling kong pinsan.
"Kaya ka hindi magustuhan ng bestfriend mo eh." ganti ko sa kanya.
"Aaayyy foul!" pag-iinarte pa ulit ng pinsan ko.
"Sana may ibang kasayaw ang ex lover mo." bumawi ang pinsan ko na medyo nasaktan ako.
"Grabee ka ha? Huwag mo akong kakausapin." irap ko kay Kuya Kyle at nagmamadali akong nagpaalam kina Mommy at Daddy at lumabas na ng gate derecho papuntang sasakyan namin na maghahatid sa amin sa venue.
Pagkadating namin sa venue. Hinanap agad ng mata ko si Chester pero di ko sya mahanap.
Umikot kami sa loob upang hanapin ang mga kaibigan ko. Inaalalayan ako ni Kuya Kyle habang ako ay palingon-lingon sa mga bumabati sa akin.
Puring-puri nila ako sa suot ko pati na rin si Kuya Kyle na hindi nakaligtas sa mga mata ng mga babaeng gusto syang makilala or lapitan.
Hinawakan ko ang kamay ni Kuya Kyle upang protektahan sa mga higad. Hindi ko pa man na-meet ang bestfriend nya pero boto pa rin ako para dito atleast alam kong mabuting babae iyon base sa kwento na naririnig ko.
"Hoyy Jen! Makahawak parang mawawala naman ako. Lakas makajowa ah? Bakit? Nandito ba pinagseselos mo?" bulong ng pinsan ko sa akin.
"I'm just protecting you sa mga babae dito." hindi ko sya nililingon habang nakatingin ako sa table ng mga kaibigan ko.
Nakita ko na nag-wave sila ng hands sa akin. Tinuturo ang bakanteng upuan.
"Sa tingin mo ipagpapalit ko si Dane sa kanila? Kahit may pagka-spoiled yun mahal ko yun." sagot naman nya.
"Paano kasalanan mo rin kasi ginawa mong spoiled. Tsk!"
"Ayyy! Hindi ka sure. Ganun lang yun manlambing. Paano ayaw akong mawala sa paningin nya."
"Akala mo lang yun. Hahaha" biro ko sa pinsan ko.
Nakita ko syang sumimangot paglingon ko sa kanya at kasabay non ang pagdating ni Chester sa venue. Tanaw ko sya mula sa pwesto namin. Pinagkakaguluhan na sya ng mga babae palibhasa wala nga syang partner pero impossible baka mamaya biglang sumulpot si Claudia mahirap na.
Nag-start na ang Ball. Kanya-kanya ng nagsasayawan ang mga tao. Makikita mo kung sino talaga ang mga in a relationship at mga single.
Hindi ko na muli nakita si Chester. Sinabihan ko na rin si Kuya Kyle na pwede na syang magsayaw or makipag-usap sa iba dahil wala na naman ang pinagseselos ko.
Habang busy ang lahat naisipan kong lumabas saglit ng venue. May nakita kasi ako doon na mini-park na puno ng ilaw.
Naglakad ako papunta roon hanggang sa mapagod ako at umupo sa isa sa mga upuan doon.
Habang nasa malalim akong pag-iisip ay biglang gumalaw ang halaman sa tabi ko. May naaninag akong anino ng isang tao.
Sisigaw na sana ako at handa ng tumakbo ng magsalita ito.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomantikHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes