"Saan ka na? Nandito na kami." bungad ni Awra sa akin pagsagot ko ng tawag nya.
Hindi ko kayang manood dahil sobrang pugto ang mga mata ko. Sobrang obvious, hindi ko pwede i-reason ang pagsakit ng puson ko dahil panigurado akong hindi ako kakampihan ng mga mata ko at lalo na ang puso ko.
"Hindi ako makakapunta. Hindi pumayag si Mommy." pagsisinungaling ko.
"Kakausapin ko si Tita. Ipagpapaalam kita." pilit ni Awra.
"Hayaan na natin si Jen." Narinig kong banggit ni Micole.
"Wait! Tawagan ko si Tita. Sige na, bye na." paalam ni Awra.
I'm about to press the end button ng makita ko si Mommy sa tabi ko.
Kinuha nya ang phone and she talk to Awra. Mukhang naconvince ni Mommy ang mga kaibigan ko na hindi ako makakapunta. Actually, it's the first time di nya ako pinayagang makasama ang mga friends ko.
"Okay na anak. You can rest na. Bukas ka na lang magpakita sa kanila and you need to look beautiful tomorrow night. Kailangan makita ka nila na okay ka."
Grabe si Mommy, wala pa akong nakukuwento pero feeling ko alam nya nangyayari sa akin.
Itinulog ko na lang ang pag-iisip pero di ko magawa. Inuupdate ako ni Micole sa mga nangyayari lalo na sa play.
Sobrang galing daw ng mga cast lalo na si Chester. She couldn't imagine daw na kaya ni Chester ang ganung linyahan.
Hinintay ko na rin matapos ang play. O was about to sleep ng may magpop up na message galing kay Chester.
"Hindi ka nanood? :( " para saan ng sad face?
Pinilit kong huwag magreply. Nagbrowse ako sa facebook and instagram para maging busy.
Nakita ko ang post ni Claudia sa IG. With caption na "My Florante ❤".
Picture ito na naghihingalo si Chester habang yakap-yakap sya ni Claudia na nakakalong sa kanyang mga bisig.
Nakaemphasize pa talaga ang scene na ito. Nakakainis! Wala akong magawa. Bigla akong nag-deactivate sa sobrang inis. Ayokong makita ang mga post about Florante at Laura na play.
Alam ko sinasadya ito ni Claudia. At bakit ako papatalo? Nasa ganun akong stage ng tumawag si Kuya Kyle.
Nawala ang inis ko dahil sa sobrang tuwa sa kwento nya. Mukhang nagiging okay na daw sila ng bestfriend nya. Tinamaan talaga ito. Walang ibang alam sabihin at ikuwento kundi ang bestfriend nya. Obvious talaga kapag may gusto ka sa isang tao. It's either nahihiya ka sa kanya or sya ang lagi mong bukambibig.
Natapos ang usapan namin ni Kuya Kyle mga ala una ng madaling araw. Di ko namalayan ang oras sa sobrang haba ng chikahan naming dalawa.
Nagulat ako ng may makita akong message mula kay Chester. Agad kong binuksan ito.
"Wow! Hindi man lang nanood ng play kasi masama pakiramdam pero ala una na ng madaling araw line busy pa rin. Ang galing."
Napaawang ang aking bibig sa sinabi ni Chester sa text. Ibig sabihin ilang beses nya akong tinatawagan? Bakit kaya? Anong problema nya?
Nagdadalawang isip ako kung magrereply or tatawagan ba sya ngunit nanaig pa rin ang inis at tampo ko sa kanya.
Pinilit kong matulog dahil sa pagod sa kakaiyak. Ayoko na ulit syang isipin at baka maluha na naman ako. Tama si Mommy, I need to take my beauty rest.
"Best! Dito dali!" sigaw sa akin ni Micole ng makita ako.
Alam kong alam nya ang nagyayari. She's trying to hide me from everything that will surely hurt me.
"Magtiwala ka lang kay Chester, please. Listen to him." sabi ni Micole na palingon-lingon na para bang may malaki kaming kasalanan na di pwede makita ng iba.
"Hindi na. Okay na ako." I smiled bitterly.
"Haaayyy bestfriend. Huwag mo isara ang puso mo dahil sa selos na yan. Huwag kang magpabulag dahil yan ang tatalo sa'yo. Halika na nga!" hinila na nya ako palabas sa tinaguan namin.
Naguguluhan ako pero sumunod din ako sa kanya. Maya-maya pa nakita na namin ang mga kaibigan namin. Normal naman ang pakikitungo nila sa akin hanggang napadaan ang barkadahan nila Claudia.
"Hi! Oh hi Jen! Kamusta? Nakapanood ka ba ng play kagabi?" ngumiti sya na halatang nang-iinis sa akin.
"Hindi eh. Nag-final fitting ako for tonight's ball." ngumiti ako na parang di affected.
"Oh I see. So you missed the play. Sayang! Ang ganda pa naman."
Ayan na naman sya sa tingin na nanunuri. Pinag-aaralan nya mga sagot ko.
"Okay lang, di rin ako masyadong mahilig sa ganun kaya nga di ako nag-audition eh."
"Ah, okay. Oh my God! Florante is calling me." pinakita pa ni Claudia sa amin ang caller ID.
"Sige, sagutin mo baka importante."
"Excuse me. Oh hi? Florante! Oo papunta na ako. See you." paalam ng bruha habang naglalakad paalis. Nag-wave pa sya ng hand sa amin as if close kami.
"Awatin nyo ako. Sasampalin ko na yan si Claudia ha?" gigil na si Awra.
"Walang naawat. Go ahead make our day." taas noong sabi ni Louise.
"Tama na. Hayaan nyo na. Alam nyo naman yung totoo." saway ni Micole.
Tumahimik sila at ako naman ang nabigla. Ano ba kasing totoo? Nalalabuan na ako.
"Basta. Steady ka lang bestfriend. Hayaan mong kumilos si Chester. Maniwala ka. May ginagawa sya para sa inyong dalawa." makahulugang sabi ni Micole.
Naiwan na naman akong walang imik. Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung paano magsisimula.
Hindi ko nakita si Chester buong maghapon. Nanood lang kami ng mga games ng iba't ibanh department at syempre department namin ang nag-champion.
Palingon-lingon ako ng pamansin ang masamang tingin ni Claudia sa akin. Ano na naman kayang ginawa ko sa babaeng ito? Samantalang kanina sya itong lakas mang-asar sa akin.
Hindi ko na lang sya inintindi at hinanap ko muna ang kaibigan ko na isa-isang nag-disappear. May dapat ba akong malaman? Bakit parang ako lang ang walang alam? Naguguluhan na talaga. Nang hindi ko mahagilap mga kaibigan ko ay nag-chat ako sa gc namin para hanapin sila. Walang nag-reply at even seenzoned wala rin. Inisip ko na busy sila para sa ball mamaya kaya naman nagpaalam na ako para makauwi na at makapagpahinga rin.
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes