Tuluyan ko ng iniwasan si Lean. Buti na lang at malapit ng magbakasyon at wala ng reason para magkita pa talaga kami. Plano ko na rin lumipat ng school para siguro maka-move on na rin.
"Sama ka?" tanong sa akin ni Awra.
Alam naman kasi nila na medyo pahirapan sa pagpapaalam nito kina Mommy pero mukhang alam ko na naman ang tutulong sa akin.
"Magpapaalam muna ako kay Mommy."
"Sabihin mo kasama naman kaming barkada para payagan ka nila."
"Ipagpaalam ka namin."
Sobrang naappreciate ko effort ng mga kaibigan ko pero dahil walang may alam sa kanila kundi si Kuya Kyle na kaisa-isang taong sinabihan ko ng mga nangyari ay parang normal lang sila.
I choose not to tell them kasi naging kaibigan na rin nila Lean kaya kapag kasama ako sa gala kahit nandoon na si Lean ay hindi sya nagtatagal. Nagrereason out sya na walang kasama si Sola kaya need nya umuwi agad. We act normal in front of them pero alam kong ramdam nila na may nangyayari between us ni Lean pero walang nagtangka na magtanong.
I even texted Lean para sa kapayapaan ng lahat na kapag nandoon ang mga kaibigan ko at kasama namin ay umarte kaming normal lang pero syempre hindi kasama ang pagiging sweet namin sa isa't isa. Si Ram? For sure may alam sya pero nanatili syang tahimik lang taga-salo namin kapag nasa hot seat na kami ni Lean.
"Gusto mo puntahan ko si Tita? Or isama kaya natin si Kyle?" good suggest na narinig ko kay Ram.
Ganun na nga ang plano lalo pa't sa Calatagan, Batangas ang aming tuloy. Whole day kami doon, summer adventure ng buong year kahit ano pang course mo at pwede din magsama ng outsider kaya alam kong masaya din ito at chance to meet new people.
Lean keep on updating me sa mga ginagawa nya. I keep on ignoring him naman.
Nakiusap lang ako sa kanya na to act normal in front of my friends pero di ko sya mapigilan sa pagiging sweet nya sa akin. Ang hirap kapag tinatanong na nya ako kung ano ang reason kaya ang ending ay iiwas ako kaya siguro hindi na sya nagtatanong about doon.
Gaya ngayon magkakasama kaming magkakaibigan. No choice kundi tumabi sya sa akin pero di ko pinahalata sa mga kaibigan ko na hindi kami okay.
Gusto ko i-voice out pero ayokong masira ang friedship naming lahat. Ang dami ng nadamay sa pag-iibigan na ito kung yun man ang tawag dito.
"Nagpaalam ka na kina Tita?" Ito na naman si Awra pilit talaga akong sinasama.
"Oo, pumayag naman sina Mommy at Daddy kaya lang sa car namin ako sasakay." inassure ng Parents ko na di ko makakatabi si Lean dahil ang alam nga nila ay niloko nya ako.
Naaawa din ako kay Lean pero hindi ko magawang sabihin sa kanya ang napag-usapan namin ni Claudia dahil na rin sa pakiusap nito para na rin sa katahimikan ng lahat.
"Best, pwedeng sumabay?" Micole asked. Alam ko nakakahalata na itong si Micole dahil ilang beses na sya nagtangkang magtanong pero binabawi din nya paglaon.
"Try ko guys."
"Eh di sama na tayong lahat sa car kung solo ka lang naman." suggestion ni Ram referring to our Honda BR-V na 7-seater capacity.
"I don't think papayag si Mommy. Sorry guys pero may kasama kasi ako sa van." ayun lang ang tangi kong nasagot at tumango na lang silang lahat.
"Dalhin nyo na lang sasakyan nyo Ram." Awra suggested again.
"Ang layo ng Zambales oooyy! Baka kung mapaano tayo."
"Isama natin driver nyo para di na tayo makisabay sa iba." Awra added.
"May point sya. Kasi ang alam ko nagrent na lang yung iba na mga susunod sa beach basta may waiver sila na hindi na tayo sagot ng school since di sila sasabay sa school service.".
Napagkasunduan namin na mag-convoy na lang. Van nila Ram kasama ang driver nila at sasakyan namin na kasama ko ang driver ko. Hindi ko sinabi sa kanila na kasama ko si Kuya Kyle although alam naman ng mga barkada ko na pinsan ko ito at mukhang di pa rin alam ni Chester kaya pinili ko na lang hindi ito banggit sa barkada.
3:00 am ang meeting place sa parking area ng school. Nakaready na ang lahat pero nasa loob pa rin ako ng sasakyan. Wala pa ang magaling kong pinsan. May pagka-late din kasi ang isang ito. Maya-maya pa ay may kumatok sa bintana ng sasakyan namin. Kita ko mula sa labas si Ram.
"Hindi ka ba lalabas muna? Breakfast muna tayo." bungad nya sa akin.
Mula sa likod nya tanaw ko si Chester na nakatingin lang sa akin. Nagtext sya sa akin kung pwede daw magkaroon kami ng alone time sa Zambales pero gaya ng dati di ako nagreply sa mga text messages nya.
"Drive thru na lang siguro tayo. Wala pa pati si Kuya Kyle." bulong ko kay Ram.
Mukhang gets naman nya kaya naman bumalik sya sa van kung saan nandoon na rin ang mga girls. Siguro mga nakaidlip na ang mga ito.
Bago ko pa man isara ang pintuan ng sasakyan. Hinarang na ni Kuya Kyle ito. Ang gwapo din talaga ng pinsan ko eh. Kaya maraming napapalingon dito at kaya din selos na selos siguro si Chester dito.
"Oh akala mo si Donny Pangilinan to noh? Nagkakamali kayo. Hahaha sorry I'm late." agad akong niyakap ni Kuya Kyle at hinalikan ako sa buhok.
"Ang baho mo! Naligo ka ba? Hahaha" pang-aasar nya sa akin.
Agad ko sya sinamaan ng tingin at tinapik ang tiyan. Tawa naman sya ng tawa habang haplos ang kanyang sikmura. Siguro nasaktan ito pero bahala sya. Lakas mang-asar eh.
Umurong ako sa gilid upang makaupo sya sa tabi. Inayos nya saglit ang mga gamit at maya-maya pa ay lumipat na din sa harapan dahil makikipagpalitan ito kay Mang Bert mamaya.
Nagtext naman ako kay Micole kung pwede syang lumipat sa amin. Honda CR-V naman ang dala namin. Sa likod lahat ng mga gamit at may bakante pa sa tabi ko since si Kuya Kyle naman ay nasa unahan na.
Lumipat ang bestfriend ko at laking gulat ko ng mapalingon ako sa van. Nandoon na si Claudia kasama ang bestfriend nitong malandi.
"Mukhang may World War 3 mamaya pagdating natin sa Zambales. Mali pala mukhang bumabagyo na panigurado sa kabilang sasakyan." comment ni Micole na nag-aayos na para makaalis na kami.
"Ha? Di ko gets."
"Alam mo best. Minsan hindi ko ma-gets mga pinaggagagawa mo eh pero kung ano man yan sana magbunga ng maayos at sana hindi masira ang pag-iibigan nyo na wala pa man eh pinipigilan mo na."
Umayos ng upo si Micole at naglagay ng earphones sa magkabilang tainga at pumikit habang tumalikod sa akin.
Naiwan akong gising kasama si Mang Bert na naka-focus sa kalsada. Si Kuya Kyle naman ay naka-earphone din habang may tinetext.
Pinilit kong matulog at inignore sinasabi ng bestfriend ko. Pinilit kong pumikit pero ang isip ko nasa kabilang sasakyan na at ngayon ay nauuna na sa amin. Ano na kayang nangyayari sa loob?
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomanceHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes