EK day...
Ang aga kong nagising dahil sa excitement. Hindi na nga yata ako nakatulog dahil sa usapan naming magkakaibigan kagabi kung anong mga rides yung sasakyan namin at kung anu-ano pa.
Nagcheck ako ng gc namin at tama nga ako mga gising na rin sila. Hindi man ito ang first time namin pero dahil ngayon nga lang naulit tapos kami-kami sobrang sulit.
"Anak, gising na." tawag ni Mommy sa likod ng pinto.
Agad akong tumayo sa aking kama at binuksan ang pinto.
"Good morning Mommy." niyakap ko si Mommy at humalik sa kanyang pisngi.
"Good morning din. Oh, baka ma-late kayo sa pagpasok sa Enchanted Kingdom, sayang ang oras." litanya ni Mommy.
"Hindi yan Mommy." I giggled at nagpaalam na rin para magready dahil sa bahay ang meeting place dapat ako ang mauna.
Nagsuot ako ng ripped jeans gaya ng usapan naming mga girls at tee shirt para sa aking top. Nagdala din ako ng short at another shirt para makapagpalit incase na mabasa kami sa ibang rides. Nagdala din ako ng checkered long sleeveless in case na mainit ay may protection ako.
Pagbaba ko sa may living room namin. Nakita ko na si Micole at ang Mommy at Daddy nya. Solong anak din ito kaya naman ganun na lang siguro ang pagwoworry ng mga ito sa kanila.
"Good morning Tito and Tita." bati ko at humalik sa mga pisngi nila.
"Good morning. Oh, mag-ingat kayo ha? Huwag masyado sa extreme rides at baka kung mapaano kayo. Update nyo kami from time to time para alam namin nangyayari." mahabang bilin ni Tita sa aming dalawang magbestfriend.
"Ma, para naman kaming mga bata." ngisi ni Micole sa Mama nya at nagpaalam na sa parents nya para makabalik na sa kanilang bahay dahil may work din ang mga ito.
"Oh, sya sige na. Basta yung mga bilin namin. Ingat kayo and enjoy." banggit ng Papa habang lumalabas ng pinto.
"Para tayong mga bata na magfifieldtrip." I giggled lalo na naiisip ko na sobrang enjoy ito dahil kaming magkakaibigan lang ang pupunta. Nag-high five pa kaming magbestfriend sa sobrang saya.
Nagdouble check ako ng mga dadalhin. Hindi na rin ako nagpasabi na magready ng food si Mommy dahil ang usapan namin ay mag-drive thru na lang kami for breakfast and lalabas na lang kami for lunch dahil bawal daw ang magdala ng food sa loob.
Nagulat ako ng lumabas si Mommy from kitchen at gising na rin si Daddy. Usapan namin ay 5:00 am kami aalis para maaga kami doon dahil mahaba ang pila ngayon since sembreak na.
Ilang minuto pa ay dumating na sina Awra at Louise, hinatid sila ni Ram na ngayon ay bitbit ng bag ni Louise. Meron talagang di inaamin ang dalawang ito pero ganun pa man ay masaya ako para sa kanila.
"Tamang-tama para makatipid kayo sabay na kayo sa amin magbreakfast ng tita nyo." suggestion ni Daddy at for sure hindi ito tatanggihan ng mga kaibigan ko.
Umupo na kaming lima including Ram na hindi ko alam kung sasama ba or susunod na lang dahil parang tinatamad daw sila ni Chester. Well, mas ok nga na wala sila dahil for sure magiging awkward lahat at mahirap magpanggap na ok kayo nung tao kahit ang totoo ay hindi naman talaga.
Nakipagkuwentuhan pa si Daddy saglit bago kami umalis. Gamit namin ang hi-ace van namin at kasama namin ang aming driver. Samantalang sina Daddy at Mommy naman ay gamit ang aming BMW at si Daddy na ang nagdrive nito.
Nagpaalam na ako kina Mommy and Daddy. Gaya ng ibang magulang sobrang daming bilin ganun nga siguro kapag solong anak.
Sobrang excited kaming magkakaibigan pero dahil nga siguro sa puyat kagabi lahat kami ay nakatulog buti na lang at nagprepare si Mommy ng breakfast.
Nagising ako ng biglang huminto ang van. Agad akong napatingin sa akin relo. 10:00 am na tamang-tama lang dating namin sa Enchanted Kingdom. Ginising ko agad sina Awra, Micole at Louise.
Bumaba agad kami pagkatapos kong magbili kay Kuya Bert, driver namin. Nag-iwan din ako ng pera baka sakaling gusto nyang mamasyal sa loob at kumain kapag nagutom.
Pumila kami upang makabili ng ticket. Buti na lang at napaaga kami dahil meron na ring nakapila sa ticket booth.
"Mga bakla, saan muna tayo?" tanong ni Awra habang papalapit na kami sa cashier ng ticket booth.
"Sa Ekstreme muna tayo." sagot ni Louise na hinihikab pa.
"Push!" tanging sagot naming dalawa ni Micole.
Pagkabili namin ay pumila na rin kami para makapasok. 11:00 ng umaga ang bukas ng Theme Park, buti na lang at nakisama ang panahon na hindi naulan at hindi rin sobran araw.
Pagkapasok namin ay agad akong nagpaalam na mag-cr muna para derecho na ang aming gala.
Habang nakapila ako ay may nahagip akong isang pigura pero agad din itong nawala. Impossible naman na magpunta sya dito hindi nga sumama si Ram sa amin.
Pagbalik ko sa meeting place namin ay nakaready na ang lahat. First ride namin ay ang carousel pero bago yung nagpicture taking muna kami sa harap nito yung may fountain at carousel as background sa amin picture.
Nakailang shots din bago kami pumila sa carousel. Tawang-tawa kami dahil para kaming mga bata na sobrang enjoy sa mabagal na ikot nito.
Agad kaming nagpunta sa next ride which is EKstreme, yung dadalhin ka sa taas sabay bagsak sayo ng walang kaabog-abog.
"Oh Jen, ihanda mo na sarili mo."
Nagulat ako sa sinabi ni Awra at napatingin sa kanya nang nagtataka.
"Kasi kung sa carousel ay papaikutin ka muna tapos hindi ka naman mamahalin dito ay papaasahin ka ng sobrang taas pagkatapos ay bigla ka na lang ibabagsak. Charot! Hahahaha"
Nagtawanan kaming biglang ng magets ko ang sinabi ni Awra. Lakas talaga ng mga tama ng mga kaibigan ko lahat na lang may hugot sa buhay kahit na alam naman nilang okey na ako. Ok ba talaga ako?
Muli pumila kami. Makalipas ang ilang minuto ay nakasakay na kami. Sobrang duwag ko sa mga extreme rides, alam nilang lahat yan pero sige tuloy pa rin. Naiiyak na talaga ako pero pinigil ko, pumikit na lang ako para di ko makita ang unti-unting pag-angat ng ride mula sa lupa.
"Best, magmulat ka. Ang ganda ng view oh." tawag sa akin ni Micole na katabi.
Sinunod ko ang sinabi nya. Since nakaharap kami sa South Luzon Expressway ay sobrang ganda nga ng view. Habang enjoy na enjoy ako sa view ay may narinig akong malakas na tunog. Maya-maya pa ay bigla na lang kaming bumagsak pababa. Ganun kabilis pala. Naiwan ko yata kaluluwa ko sa taas. Napaangat ang puwet ko sa sobrang bilis. Pakiramdam ko ay wala na akong upuan.
"Waaahhh! Nagawa natin!" sigaw ni Louise na tawa nang tawa palabas ng ride.
Nagpunta kami sa booth para tingnan mgfa pictures namin. Binili yun ni Micole para souvenir sa katapangan kong magmulat ng mata kanina.
Sinunod namin ang Wheel of Faith, Jungle Log Jam at Anchor's Away para magpatuyo dahil sa Jungle Log Jam ay mababasa ka.
Nagdecide kaming magpalit nang damit at kumain na muna dahil mag-1 na pala nang hapon.
Halfday pa lang sobrang sulit na pero marami pa ring extreme rides sa line up ni Awra. Sana makaya ko. Kaya ko ng nang wala sya eh di kaya ko rin ang ito. Charot!
BINABASA MO ANG
The Necklace (Completed)
RomantizmHindi ka ba talaga marunong manligaw? Akala mo lahat nadadaan sa ganyan mong galawan palibhasa nag-iba ka na.- Jenica Reyes